Monday , November 18 2024

Banat ni Jimmy sa ilang artista, kinampihan ni Vivian

BUMUGA ng kay habang opinyon si Jimmy Bondoc sa kanyang social media handle.

Wala mang eksaktong tinukoy, malaman naman ang mga binitawang opinyon ng nakilala bilang musikero bago nagsilbi sa gobyerno ang personalidad.

Aniya, “Hindi naman po bawal ang magsalita ang artista tungkol sa malalalim na issue a!

“I am a minor performer-personality, pero di naman ako bawal magsalita o tumangkilik ng issue na malapit sa paniniwala ko. Nag-aaral din ako ng law, tsaka hinihigop ko lahat ng pwedeng matutunan sa government work at sa balita, para makuha ang pinakamalapit sa katotohanan.

“My “truth” will never be perfect.

“But education enriches our opinions.

“Kaso…

“dapat alam din po ng artista – o kung sinuman ang magsalita ukol sa mga issue – na kapag nagsalita ka, kailangan alam na alam mo ang issue at ang nakapalibot na mga issue dito.

“Isa lang po ang palagay kong “BAWAL” o kung hindi man bawal, ay di kanais-nais.

“It is the “ENDORSER MENTALITY” as applied to political or national issues.

“Ang malalalim na issue ng bayan ay hindi produkto. Hindi ito pizza, or sabon, na pwedeng i-endorse ng artista dahil inutos sa kanya ng manager niyang i-promote ito.

“Madaming dahilan kung bakit dapat “bawal” ito. Let me give 2:

1) KAWAWA ang artista. Kapag nagsalita sya sa issue na hindi nya expertise, para siyang ibinato sa malalim na dagat;

2) KAWAWA ang bayan. Dahil sa kapangyarihan ng salita ng mga sikat na tao, nagkakaroon ng “badge of truth” ang sinasabi ng artista, kahit na sa totoo, hindi nya sariling paniniwala iyun.

“Gusto ko lang malaman ng mga makakabasa nito na ako ay walang inaaway o nais saktan sa mga salita ko.

“Pero gusto ko lang din, MULA PO SA PUSO, na ipaalala sa mga gumagawa ng “endorser for issues” – na ito po ay KASALANAN.

“Opo, kasalanan po iyan, sa madiin kong paniniwala.

“Maaaring magalit kayo sa akin. Siguro, lalabas na naman ang mga salitang laban sa akin na “Tuta” ako kuno ni PRRD, o kaya mayabang dahil nag-aaral, o kaya nakatungtong daw sa kalabaw daw dahil sa public position, at kung anu-ano pang paratang.

“Ok lang.

“Pero SIMULA PA NUNG UNA, nung medyo nasa showbiz pa ako, sobrang MALI na ang palagay ko sa “endorser” mentality.

“Pagsisinungaling po kasi ito.

“Kung hindi mo talaga kinakain ang burger na yun, wag mo i-endorse. Ganun ka-simple.

“Wala pong value ang mentality na “trabaho lang.” HINDI PO. Lies are lies.

“PERO, that said, forgivable naman ang mag-endorse ang artista ng burger o bag o juice o toothpaste na di nya totoong ginagamit,

“KASI wala naman LALASUNIN ang toothpaste na yun. Wala namang makakalunok ng bag na yun.

“Parang… BANAYAD Whiskey.

“Kahit lasang blade.

“Pero political ideologies? Historically divisive issues? Terrorism-related legislation, organizations, and deaths and unrest resulting therefrom?

“Are these “ENDORSABLE” products by people who don’t really believe in them?

“We keep saying we want the world to change.

“Pero yung mga sinasabi niyong “simpleng gulang” lang, or “white lies” lang are the very foundations of the Evil things that destroy us.

“Nagpapaalala lang ako sa mga may-kapangyarihan: stop doing it. Fight your own battles.

“Hindi po totoo na ang Pangulo lang or ang AFP lang or Konggreso lang ang may kapangyarihan. KAYO PONG LAHAT na may impluwensya, pera, o kahit ganda lang (tulad ko) ay MAKAPANGYARIHAN.

“Sa mga artista – fight for your right to speak up. Tama po yan!

“It is a long and exciting journey, from speaking up to learning more then speaking up again.

“That is how we engage the world into positive action!

“Just make sure the words are your own.

“They may be once-borrowed words.

“But you must ingest them and digest them.

“In prayer or deep thought, isipin niyo ang KAPANGYARIHAN na taglay ng susunod ninyong salita – kapangyarihan na kahit mga judge na nag-aral ng tatlong dekada ay hindi laging nakakamit.

“Ang daming scholar, konggresista, justice, arbitrator, private lawyers, commissioners, secretaries of state, at kahit ibang nakaraang pangulo – na nag-aral at nagbuwis ng buhay para sa bayan, para ipaglaban ang LEGAL, POLITICAL, SOCIAL, and CULTURAL LANDSCAPE ng bayan natin.

“Para silang mga hardinero na may tig-isang gunting. Unti-unting mina-manicure ang garden.

“Ito ka ngayon. May lawnmower na sinlaki ng truck.

“Pwede mong pagandahin ang damo, o laslasin lahat ng bulaklak sa isang maling kabig ng manibela.

“Kawawa naman ang mga nagtanim.

“Sayang naman ang mga bulaklak.”

Laban ka?

Isa sa mga sumang-ayon sa tinuran ni Jimmy ay ang aktres na si Vivian Velez na Pangulo ngayon ng Film Academy of the Philippines.

Kung saan humuhugot si Jimmy, masasabing malalim at marami.

May natamaan kaya sa banat niya?

Pilar Mateo

About Hataw Tabloid

Check Also

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *