Saturday , November 23 2024

Khabib tagilid kay Gaethje

NAKAPANAYAM  si Justin Gaethje ni Kevin Iole ng Yahoo Sports at pinag-usapan nila ang nalalapit na pinakamalaking laban nito sa kinatatakutan at ang walang talong si Khabib Nurmagomedov (28-0).  Ang sagupaan  ay mang­yayari sa Oktubre 24, 2020.

Pananaw ni  Iole, si Gaethje ay isang kumple­tong fighter na may napakagandang skill na magiging problema ni Khabib.   Taglay pa nito ang collegiate wrestling background at lethal striking na magiging babala sa kampeon.   Ang kanyang ipinakitang laban sa UFC 249 kontra kay Tony Ferguson ay lumikha ng lindol sa fight fans at marami sa kanila na naniniwala na taglay nito ang kalidad para ipalasap ang unang talo ni Nurmagomedov.

Sa pagpapatuloy ng interview sa interim 155-pound champion ay halatang siniseryoso niya ang magiging laban kay Khabib.   Nang tanungin siya tungkol sa napakanipis na “split decision” win niya kontra kay Melvin Guillard, inisplika niya ang maraming factors kung bakit dumating sa ganoong klaseng desisyon ang WSOF-15.

“First of all, he missed weight and it went from a five-round fight to a three-round fight. In the third round he left in a wheelchair and I still wanna get my hands on the judge that gave him that fight. Preposterous,”  pahayag ni Iole base sa sinabi ni Gaethje.

Sa nasabing panayam, kitang-kita sa kanyang pananaw ang ‘killer mentality’ na dala-dala niya sa cage.   Klaro na ang laban sa kanyang nakaraan ay nagiging sandigan niya para bumuo ng matibay na laro dahil ayaw niyang mangyari ang maluto uli siya uli sa iskoring.

Inaasahan na sa pagtuntong niya sa cage laban kay Khabib ay papantayan niya kung ano ang magiging laro ng kampeon para biguin itong makamtam ang taguring GOAT (Greatest Of All Time).

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *