Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katiwalian sa public bidding sa mga barangay sa Maynila, tutuldukan

NAGLABAS ng memorandum ang Manila Barangay Bureau (MBB) para sa lahat ng punong barangay  kaugnay ng public bidding sa mga barangay.

Ayon sa MBB magtata­laga sila ng kawani na magsisilbing tagasubaybay  sa mga gagawing public bidding para sa gagawin nilang mga proyekto.

Ang paglalabas ng memo, ay kasunod ng mga katiwalian ng ilang barangay sa usapin ng mga proyekto na nagkakaroon ng mga anomalya.

Sa memorandum ni MBB OIC-Director Romeo Bagay na nilagdaan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, naglalayong maging transparent ang gagawing ‘public bidding’ ng mga barangay sa kanilang mga gagawing proyekto.

Ang pagdalo umano ng magsisilbing tagapagmasid ng MBB ay batay na rin sa kanilang mandato upang masiguro na ang mga patakaran, alituntunin, at polisiya na napapaloob sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 at RA 9184 (Government Procurement Reform aact) ay maipatupad nang maayos.

Pinayohan ng MBB ang lahat ng punong barangay at Bids and Awards Committee (BAC) chairman sa lahat ng barangay sa Maynila na magbigay ng sipi o kopya ng iskedyul ng kanilang magaganap na “public bidding” upang makadalo ang kanilang itatalagang tagapagmasid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …