AMINADO si Tony Labrusca na gulong-gulo ang isipan niya noong hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS CBN. Na-confuse siya kung mananatili pa ba siya sa Kapamilya Network, o lilipat na lang ng ibang estasyon o management, gaya ng ginawa ng ibang talents nito.
“Ipinag-pray ko lang din po ‘yon na parang, honestly, during this time kasi, gulong-gulo rin ako kung anong gagawin kasi ang daming lumilipat. Honestly, mayroon din po akong naging offers sa ibang network and sa ibang agencies,” sabi ni Tony sa interview sa kanya ng Pep.ph.
Nakatulong ang dasal kay Tony na naging dahilan para magdesisyon siyang manatili sa ABS CBN.
“Ipinag-pray ko iyon, sabi ko, ‘Lord please help me decide kasi I honestly don’t know what to do. What’s meant to be is meant to be na lang, so it all ended up working out na I’m meant to stay lang talaga rito. I’d like to think na si Lord lang talaga iyong gumawa ng paraan kaya nag-stay ako kasi kahit ako, hindi ko rin alam kung ano ‘yong tamang decision.”
Tama lang na manatili sa ABS CBN si Tony dahil hindi naman siya nito pinababayaan. Lagi siyang binibigyan ng show. In fact, isa siya sa lead star sa bagong serye ng Dos na Bagong Umaga, na mapapanood na sa October 26 sa Kapamilya Channel. Kasama rin siya sa horror film na U-Turn mula sa Star Cinema, na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Mapapanood na ito sa October 30 sa KTX at iWant TFC.
MA at PA
ni Rommel Placente