Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay at Jerome, nagsabog ng kilig

MARAMI ang kinilig sa patikim na trailer ng BL series na Ben x Jim  ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Teejay Marquez at Jerome Ponce na isinulat at idinirehe ni Easy Ferrer.

 

Base sa napanood naming trailer, ang kuwento ng Ben x Jin ay tungkol sa sobrang magkalapit na magkaibigan na nagkalayo pansamantala at sa paglipas ng taon ay muling nagkita.

 

At ‘yung eksena ng kanilang pagkikita ay nagdulot ng sobrang kilig sa mga nakapanood dahil ramdam na ramdam mo ‘yung sobrang pagka- miss nila sa isa’t isa at ito ‘yung habang nagwi-wish si Ben (Teejay) na magpakita sa kanya si Jim (Jerome). Laking gulat ni Ben nang tumambad sa kanyang harapan si Jim at nagsabing, “wish granted” habang nakatitig sa kanya na kitang-kita ang labis-labis na kasiyahan sa pagdating ng kanyang bestfriend.

 

Kaya naman kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari sa kanilang pagkikita, magiging sila ba? At kung magiging sila, ano ang mangyayari sa kanilang love story?

 

Dagdag pa riyan ang aabangang pagta-topless nina Teejay na nagpa- sample na sa trailer. Abangan din kung may halikan ang dalawa sa kanilang mga eksena.

 

Makakasama nila Teejay at Jeroms sa Ben x Jim sina Kat GalangRon Angeles, Johannes Rissler, Sarah Edwarsa, at Cristina Samson. Mapapanood  ngayong Oktubre sa Regal Entertainment Inc. Facebook page at sa YouTube channel ng Regal Entertainment Inc.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …