Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bong Go nagpahatid ng tulong sa apektadong wellness workers (Para sa GenSan City)

NAGPAABOT ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga miyembro ng Family Impaired Massage Association (FIMA) sa Barangay Dadiangas West, General Santos City na ang mga kabuhayan ay naapektohan ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19) pandemic.

Sa isang tawag sa telepono sa 25 benepisaryo, inalam ni Go ang kanilang sitwasyon sa gitna ng nararanasang health crisis.

“Sana nasa mabuti kayong kalagayan,” ani Go. “Sa aking mga kapitbahay diyan sa General Santos City, magkapitbahay lang naman tayo dahil taga-Davao lang naman ako.”

Hinikayat rin ng senador ang mga taong may medical conditions na kaagad humingi ng tulong mula sa Malasakit Center sa bansa.

“Kung kinakailangan ninyong magpaospital, may Malasakit Center diyan…sa GenSan. Kung kinakailangan ninyo dalhin sa Davao o Manila, ako na ang sasalo sa inyo at gagastos sa inyo.”

Nabatid na ang Malasakit Center sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa Barangay Lagao, General Santos City ay ika-22 na nag-o-opearte na ngayon sa bansa.

Ang Malasakit Centers ay one-stop shop na binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corp., at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na maaaring magtungo ang mga pasyente at makahingi ng mabilis na tulong medikal.

Samantala, nagpaabot ang senador, sa pamamagitan ng kanyang mga staff ng iba pang mga tulong gaya ng food packs at libreng pagkain sa mga miyembro ng grupo, gayondin ng mga masks, face shields, vitamins, at mga gamot.

Sa pamamahagi ng ayuda, tinitiyak ng grupo ng senador na nasusunod ang health at safety protocols upang matiyak na maiiwasan ang posibleng pagkalat ng CoVid-19.

Nauna nang hinikayat ng senador ang pamahalaan na pagkalooban ng tamang masks ang mahihirap at yaong hindi kayang bumili nito, at magpatupad ng mas malakas na mask-wearing policy sa bansa.

“Let us make this a discipline among all Filipinos as we continue our fight to stop the spread of CoVid-19. I am urging the government to use its resources to provide masks, especially to the poor. Importante po ang mahihirap na ‘di makabili ng mask, ito ang gawan nila ng paraan,” aniya.

Matatandaang nagkaloob na rin ang DSWD ng financial aid sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

“Kinausap ko ang aking mga kasama sa gobyerno sa national government na magbibigay ang DSWD ng AICS na tinatawag na Assistance to Individuals in Crisis Situation kaya makatatanggap po kayo,” ani Go.

Hinikayat ng senador ang displaced workers na huwag magdalawang-isip na humingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil tungkulin anila ng pamahalaan na tulungan sila.

“Lapitan lang ninyo ako dahil trabaho namin ‘yan dahil kami ni Presidente Duterte, nandito lang kami sa abot ng aming makakaya, tutulong kami sa inyong lahat,” aniya.

Pagtiyak ni Go, sa sandaling available na ang bakuna laban sa CoVis-19 sa bansa, ay mapagkakalooban ang lahat ng mamamayan, bagamat magiging prayoridad aniya ang mga kabilang sa most vulnerable sectors.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …