Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo, suportado ang pag-amin nina Janella-Markus

KINUHA namin ang reaksiyon ni Marlo Mortel sa ginawang pag-amin ng dati niyang ka-loveteam na si Janella Salvador, na boyfriend na nito si Markus Paterson, na produkto ng Pinoy Boy Band Superstar.

Sabi ni Marlo, ”Masaya ako for her, of course. Ganoon naman ako, kapag masaya ang isa kong kaibigan, masaya rin ako. Kilala ko naman si Markus, mabait siya. Nag­katrabaho na kami before.”

May balitang buntis ngayon si Janella. Kung sakaling manganak na ito at kunin siyang ninong, okey lang ba sa kanya?

“Oo naman, why not,” sagot ni Marlo.

“Wala namang problema sa aming dalawa. It’s just that, hindi lang kami nagkikita ngayon, because of pandemic. In-invite ko nga siya na mag-guest sa show ko sa Kumu one time, pero hindi siya pwede.May okasyon kasi sa kanila.”

Hindi lang artista si Marlo, isa rin siyang singer.

“Ang akala ng iba, kumakanta lang ako sa mga mall show. Ang alam nila, artista ako na kumakanta-kanta lang. Hindi nila alam na singer talaga ako. May album akong nagawa. Sa Kumu nga, maraming nagugulat kapag kumakanta ako. Sinasabi nila, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, magaling daw pala akong kumanta. Sabi ko, singer kasi ako,” natatawang kuwento pa ni Marlo.

Ayon pa kay Marlo, kung papipiliin, mas gusto talaga niya na makilala bilang isang singer kaysa artista.

“Mas gusto ko talagang mag-focus sa singing career ko,” pakli pa niya.

Nakausap namin si Marlo nang mag-guest sa show namin sa Kumu na Pito Ito.Iba Ito. Napapanood ito tuwing 9:00 p.m. sa Rodilicious account.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …