Saturday , November 23 2024

KWF, nananawagan para sa mga kopya ng tesis at disertasyon na nakasulat sa Filipino

NANANAWAGAN ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga iskolar na magkaloob ng kopya ng kanilang mga tesis at disertasyong nakasulat sa wikang Filipino para sa isinasagawa nitong anotasyon ng mga nabanggit na pag-aaral.

Ang patuluyang proyekto sa anotasyon ng mga tesis at disertasyon ay naglalayong makabuo ng mapagtitiwalaang depositaryo ng mga pananaliksik na nakasulat sa wikang Filipino. Ninanais din nitong palakasin pa ang saliksik sa iba’t ibang larang.

Inaasahan na makatutulong ito sa mga iskolar at mag-aaral na naghahanap ng mga sangguniang may kinalaman sa kanilang sinasaliksik sa iba’t ibang disiplina.

Kabilang sa mga nagawan na ng anotasyon ang mga tesis at disertasyon sa wika, panitikan, araling Filipino, pagsasalin, araling midya, at edukasyon. Sa hinaharap, binabalak ng KWF na mailabas sa online na espasyo ang mga anotasyong ito.

Maaaring ipadala ang kopya ng mga naipasá nang tesis at disertasyon sa [email protected]. Tinitiyak ng KWF na pangangalagaan ang mga nasabing kopya at gagamitin lámang para sa proyektong anotasyon.

Para sa paglilinaw o tanong hinggil sa mga nabanggit, maaaring tumawag sa 09669052938 at hanapin si Gng. Miriam Cabila, o mag-email sa [email protected].

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *