Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klinton Start, ambassador ng isang int’l. magazine

SOBRANG happy at thankful ni Klinton Start dahil isa siya sa kauna-unahang ambassador ng international magazine na Pulchritude Juvenis na pinamamahalaan ng Pinoy na si Allen Castillo na siya ring creative director ng sosyal na magazine.

Ayon kay Klinton “Thankful ako kay Lord kasi binigyan niya ako ng bagong proyekto. Ito ‘yung pagiging ambassador ng ‘Pulchritude Juvenis Magazine’ na isang international magazine.Nagpapasalamat din ako kay Sir Allen (Castillo) dahil kinuha niya ako at pinagkatiwalaan para maging isa sa magpo-promote ng kanilang magazine.”

Bukod sa Pulchotude Juvenis Magazine, ambassador din ang tinaguriang  Supremo ng Dance Floor ng CN Halimuyak Pilipinas na pag-aari ng napaka-ganerous na si Nilda Tuason,  Ysa Skin And Body Experts na pag aari ni Sheila NazalSwitch Limited Apparel na pag-aari ng UPGRADE member na si Casey Martinez, at H & H Makeover Salon.

Regular din itong napapanood sa IBC 13 at SMAC TV Production variety/game show na Yes Yes Show with Awra Briguela, Justine Lee, Matteo San Juan, Rish Ramos, Kikay and Mikay, Rayantha Leigh, JB Paguio, Hashtag Jimboy Martin, at Karen Reyes.

Nakasama rin ito sa matagumpay na online concert ng SMAC TV Production, ang Kaya Kong Magbasa na ang kinita ay ibanahagi sa mga piling eskuwelahan.

Kuwento nga ni Klinton, “Masarap po sa pakiramdam na habang ginagawa mo ‘yung mga bagay na gusto mong gawin katulad ng pagsayaw at pagho-host ay nakatutulong ka pa.

“Kaya nga ng sinabi sa akin na makakasama ako sa online concert at eskuwelahan ang beneficiaries ‘di na ako nagdalawang isip at nag-go na kaagad ako para naman kahit sa munting paraan ay makatulong ako.”

At kahit nga may mga proyekto itong ginagawa ngayon, hindi nito pinababayaan ang pag aaral via online na first year college ng kursong BSBA Major in Marketing sa Trinity University of Asia.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …