Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love Life with Kris, sa Agosto 15 na mapapanood

NAGKITA sina Raffy Tulfo at Kris Aquino sa promo shoot ng huli para sa teaser ng programa niyang Love Life with Kris sa studio ng TV5.

 

Nitong Martes ang promo shoot ni Kris para sa teaser ng programa niya na mapapanood na ngayong linggo at habang hindi pa gumigiling ang camera ni Direk Mark Meily ay dumaan si Idol Raffy sa studio para i-welcome ang Queen of All Media.

 

Sa August 15 na mapapanood ang Love Life with Kris.

 

Sandaling nag-usap lang ang dalawa at binati ni Kris ang magandang sapatos ni Idol Raffy at sinabihan naman siya ng, “maganda ka sa personal.”

 

Anyway, mahigpit na ipinatupad ang health protocol sa nasabing shoot dahil lahat ng production staff ay nakasuot ng PPE o personal protective equipment samantalang si Kris ay face shield at face mask naman ang suot at tinatanggal lang niya ito kapag sasalang na siya sa harap ng kamera.

 

Samantala, tila na-starstruck ang lahat ng nakakita kay Kris pagpasok niya sa TV5 dahil lahat nakangiti at bumati sa kanya at dahil hindi naman puwedeng magpa-picture sa kanya kaya kinunan na lang siya ng video habang naglalakad ng mga staff na nasa lobby ng Kapatid Network.

 

Base sa kuwento sa amin ay maganda at kakaiba ang treatment ng Love Life with Kris dahil hindi pa ito nagawa ni Kris sa mga nakaraang programa niya sa GMA 7 at ABS-CBN.

 

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hinihintay namin ang kompletong detalye ng Love Life with Kris tulad ng kung sino ang unang guest at mga taong nasa likod ng programa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …