Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz may payo kay Atty. Topacio — ‘Wag sawsaw ng sawsaw

MAY payo ang kilalang talent manager na si Ogie Diaz kay Atty. Ferdinand Topacio bilang first time movie producer na pagbibidahan nina JC de Vera at Aljur Abrenica.

 

Sa ginanap na Facebook Live nina Ogie at MJ Felipe nitong Sabado ng gabi ay nabanggit ng una na biktima si Angel Locsin ng pambu-bully ni Atty. Topacio.

 

“Si Angel Locsin ay biktima ng pambu-bully ni Atty. Ferdie Topacio. Sa totoo lang ha, bilang producer at first time producer ni Atty. Ferdie Topacio, alam mo, walang lugar ‘yung ganyan. Walang lugar ‘yung body-shaming mo, walang lugar ‘yung pambu-bully n’yo sa mga artista kasi kung kayo’y nagpodu-produce na, mas magandang kaibiganin ninyo ang mga artista kasi baka in the future kailanganin ninyo ‘yan. Eh, paano kung balikan kayo?

 

“Alam n’yo naman ngayon na kapag nagsasalita tayo against sa artista, naka-resibo na ‘yan, naka-screen shot ‘yan.

 

“Halimbawa sinabi ninyo na ‘wow ang galing naman umarte ni Angel Locsin, nakabibilib, tapos biglang tatapatan ng, eh, ano ‘tong sinabi n’yo na, ‘Yung show ni Angel sa GMA7 ay pinamagatang ‘LOBO,’ kaya LUMOBO s’ya,’” pahayag ni Ogie.

 

Kinorek din ng manager ni Liza Soberano na dapat maging resourceful si Atty. Topacio dahil hindi naman sa GMA ang teleseryeng Lobo kundi sa ABS-CBN.

 

Diin ni Ogie, “utang na loob ha, dapat ang lawyer resourceful, Atty. Ferdie Topacio. Dapat resourceful ang lawyer, kalkalin n’yo po kung saan galing ang ‘Lobo.’  Ang ‘Lobo’ po ay produced ng ABS-CBN hindi ng GMA! Para lang makapang-inis, makapam-bully, mali pa!”

 

Sabay kamot ng ulo ni Ogie, “si Atty. talaga, dapat kung magtataray tayo, nasa lugar. Kung magba-body shaming tayo, mambu-bully tayo sa Twitter, dapat TAMA po ang detalye ninyo. 

 

“Kaya ang ginawa ni Ferdie Topacio, dinilete niya ‘yung post niya na ‘yun. Kaya Atty. kung gusto ninyong maging bawang, gusto nakasahog sa showbiz issues, eh, baka naman puwede na tama ang mga detalye natin?

 

“Alam mo si Atty Topacio, may common friend kami niyan, minsan nilalakad (sa akin) ‘pagpasensiyahan mo na si ano (Atty.), mabait naman ‘yan.’ Jusko mare ‘no, sabihan mo naman na huwag siyang sawsaw ng sawsaw. 

 

“Kapag hindi mo naman isyu, ‘wag ka na (sumawsaw), kasi napaghahalata tuloy na, ayaw ko namang sabihing gusto niyang mag-artista ‘no. Sana naman, kilalanin mo ‘yung taong binu-bully mo.

 

“Sasabihin mo, tumaba si Angel Locsin? Sige sabihin na nating tumaba si Angel, bakit ikinapayat ninyo po ‘yan? Pumayat po ba kayo noong sinabi ninyo ‘yan?”

 

Nagbiro pa si Ogie na halimbawang sabihin ni Atty. Ferdie na matangkad pala si Aljur, sasabihan niya ng, “ay hindi po Atty., maliit lang po talaga kayo.”

 

Dagdag pa, “alam n’yo kung gusto ninyong maging role model ng future lawyers, eh, ‘wag po kayong ganyan, Atty.  Magpaka-tao kayo! Hindi po natin kailangang magpaka-famewhore! Dami ko nababasa famewhore raw siya, sawsaw ng sawsaw. Pambansang bawang daw siya, ‘yan ang mga nababasa ko, ha?”

 

May binasa si Ogie na komento ng nanonood ng FB live nila ni MJ na baka makasuhan sila ng cyberbully.

 

“Jusko naman, sino naunang mag-cyberbully, ‘di ba siya?” sagot ni Ogie.

 

Sabi naman ni MJ, “sa rami ng nangyayari sa bansa natin, sa paligid natin, huwag na nating dagdagan pa ng mga ganyan. It won’t help, eh.”

 

Humirit pa si Ogie, “If I were Atty, Ferdie Topacio, maggi-gym ako. Para ‘pag sinabihan ko ‘yung isang taong mataba, eh, kaya ko sinabi kasi sexy ako, kasi maganda katawan ko, me six packs ako. Kaya Atty, ‘wag na po tayong magsalita, lalo na lawyer po kayo.”

 

Bukas ang pahinang ito para kay Atty. Topacio.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …