ANG implementasyon ng quarantine protocols, travel restrictions at physical distancing dahil sa COVID-19 pandemic ay marahas na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Filipino at sa pananatili nilang ‘connected.’
Sa katunayan, ang paglipat sa tinatawag na ‘new normal’ ay madaling maunawaan dahil ginawa ng pandemya ang internet connectivity na isang basic essential sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pinoy, tulad ng koryente at tubig.
Ang pagiging ‘connected’ sa digital context ay naging pangangailangan para sa mga Filipino at sa bansa upang mapagtagumpayan ang pandemya dahil ang trabaho at commercial activities ay nakasalalay ngayon dito.
Bunga nito, mahalagang matiyak na ang basic commodity ay maging available sa mas maraming Filipino, ngayon, higit kailanman.
Para mangyari ito, kailangang magtulungan ang pamahalaan at ang telco industry upang masiguro ang pagkakaroon ng sapat na broadband infrastructures na lubhang kinakailangan sa mga tahanan, eskuwelahan, negosyo at iba pang establisimiyento.
“This is where we need the help and support of the government, especially the local government units, so that we can expand our capacity by building more cell sites and towers in the next few months in residential areas. We also need to upgrade our fiber connectivity to improve further our data speeds. This is the only way we can address the growing demand not only of our customers but the public in general,” wika ni Gil Genio, Globe Chief Technology and Information Officer and Chief Strategy Officer.
Ipinakita ng pandemya na kailangan ng mga Filipino ng wireless broadband habang sila ay nasa labas at ng fixed broadband habang nagtatrabaho o nag-aaral sa bahay, lalo na kapag kakailanganin ng iba’t ibang digital online services tulad ng Zoom, Google, Viber, Facebook, YouTube at marami pang iba.
Ang pagkakaroon ng wireless broadband ay matatamo sa pagtatayo ng cell sites at towers, habang ang wired broadband availability ay matutugunan ng pagkakaroon ng fixed broadband infrastructure.
Gayonman, sa loob ng mahabang panahon, ang pagsisikap ng telco industry na mag-expand at magtayo ng mga kinakailangang broadband infrastructures ay napipigilan dahil sa iba’t ibang kadahilanan, una na rito ang permitting requirements na ipinatutupad ng LGUs, gayondin ang pagtutol ng homeowners associations.
“The government and the telcos need to collaborate now, more than ever, to lay down and build the necessary infrastructures to deliver the needed connectivity as more Filipinos adapt to the new normal, which requires more e-services and e-governance. We need to connect as many Filipinos as possible and make their mobile experience more convenient and enjoyable,” ani Genio.
Sa kabila ng umiiral na quarantine protocols, ang Globe ay nakahandang isulong ang network builds nito sa susunod na tatlong buwan.
Ang network expansion plans nito sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ang magiging kasagutan sa lumalaking pangangailangan sa connectivity.
Sa tulong ng gobyerno, maihahatid din ng kompanya ang digital experience sa mas maraming Filipino, lalo sa malalayong lugar sa bansa.