Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, tiniyak na matatauhan ang mga nambastos sa kanilang mag-iina

TINUKOY na ni Sunshine Cruz ang mga pangalan ng tatlong nambastos sa kanya at sa kanyang mga anak sa social media. Medyo matagal na nga nangyari iyan pero lumabas ulit dahil hindi na makatiis ang kanyang anak na si Samantha dahil sa ginawang pambabastos. Lumabas na ang nambastos pala naman nila ay kaeskuwela pa ng kanyang mga anak sa isang pribadong eskuwelahan.

 

Kumalat ang mga pangalan nang ilabas iyon ni Sunshine at nakarating nga sa pamunuan ng eskuwelahan ang nangyari, nagkataong ang isa sa kanila ay member pa ng student government ng eskuwelahan. Sinabi naman ng school na ang ginawang iyan ng kanilang estudyante ay labag sa kanilang ipinatutupad na disciplinary policy. Nauna riyan, may napatalsik na rin ang eskuwelahan dahil sa ginawang pambabastos din sa internet kay Senador Risa Hontiveros.

 

Humingi naman agad ng paumahin ang isa sa kanila kay Sunshine sa pamamagitan din ng social media, at sinabing iyon ay, “biro lang at hindi ko inaasahan ang masamang epekto noon.”  Pero hindi nag-react si Sunshine, ibig sabihin gusto pa rin niyang mapanatili ang option kung sasampahan niya ang mga iyon ng kasong legal sa hukuman.

 

Marami pa rin kasi ang naniniwala na kahit na ano ay masasabi nila sa social media at inaakala nilang makalilibre sila. Hindi nila alam na may mga paraan na ngayon para ma-trace kung sino talaga sila at may umiiral nang batas para sila ay mapatawan ng parusa sa kalokohan nila.

 

Siguro sa nangyayari ngayon ay makababawi na si Sunshine sa mga nambastos sa kanilang mag-iina. Pero ang sabi nga ni Sunshine, hindi lang naman niya gustong gumanti dahil sa ginawa sa kanilang pambabatos. Ang gusto niya ay matauhan na ang iba pa na huwag nang gumawa ng kabastusan sa social media dahil tiyak na may kalalagyan sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …