Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Elsie, napaiyak sa frank ng apong si Andre

NAGMANA si Andre Yllana sa kahusayan bilang actor sa inang multi-awarded actress at Prima Donnas star, Aiko Melendez.

 

Nasaksihan ito ng maraming nanood sa Youtube channel ni Aiko na isang prank ang ginawa ng akres at anak kay Mommy Elsie Castaneda.

 

Ang prank ay ang pagpapaalam ni Andre na lilipat na tirahan para makapamuhay ng solo.

 

“Aalis na ako,” umpisang sabi ni Andre habang kumakain silang pamilya, kasama si Marthena, ang isa pang anak ni Aiko na kasabwat din sa prank.

 

“Siyempre, tumatanda na rin ako. Naisip ko, mag-explore.”

 

Walang anumang pagdududa na ginu-goodtime siya na sumagot si Mommy Elsie kay Andre ng, “San ka pupunta? Hindi ka pwede umalis sa bahay. May Covid, magsasarili ka?”

 

Na sinagot ni Andre ng, “Siyempre ang tanda ko na rin, Ma.”

 

Kahit nagmakaawa si Andre, hindi natinag ang kanyang lola.

“Hindi puwede, ah. Wala ka pang work. Hindi puwedeng ganyan, Andre.

 

“Ba’t ka nag-iisip ng ganyan nang walang pasabi?”

 

Na in character pa ring sinagot ni Andre ng, “Gusto ko rin naman siyempre kumita ng pera ko.”

 

Muling sumagot si Mommy Elsie sa apo ng, “Puwede ka naman kumita nang nandito ka. Isipin mo ako, ah. Hindi ka aalis, Andre.”

 

Halos naiiyak na sinabi pa ni Mommy Elsie na, “Sabi mo ikaw ang magbabantay sa akin. Huwag na muna ngayon.

 

“Huwag muna ngayon, puwede kang mag-explore sa tamang panahon, hindi pa ito ang tamang panahon.

 

“Tapusin mo muna ‘yung nasa school mo kasi bibigyan ka ng OJT.

 

“Kung gusto mo umalis, umalis ka pero umuwi ka rito.

 

“At saka na, ‘pag nakatapos ka na ng pag-aaral mo.”

 

At nang ihayag nina Andre at Aiko na prank lamang ang lahat ay napaiyak sa matinding galak si Mommy Elsie at buong higpit na niyakap ang apo habang nagtatawanan ang lahat, lalo na ang “promotor” na si Aiko na nakisali na at niyakap ang ina at anak na binata.

 

Mapapanood ang buong video, bukod sa Youtube channel ni Aiko (Aiko Melendez) sa Youtube channel ni Andre (and his friends) na Kengkoy Bros.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …