Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

Paglulunsad ng sariling network ni Vice Ganda, naudlot

MATAGAL na kayang pinaghandaan ni Vice Ganda ang pagkakaroon  ng sariling network na The Vice Ganda Network na mapapanood sa online dahil alam niyang malabong mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN?

Hindi pa ito inaanunsiyo ng TV host pero nabuking ito dahil sa isang dancer ng Club Mwah na nangangalang  Koko Artadi na screengrab nito ang usapan nila sa kanyang Facebook page nitong Hulyo 8.

Kinumusta ni Koko si Vice, ”Eto super busy na malapit na kasi launch ng digital network ko. TheViceGandaNetwork. Sa July 17 na.”

”Ha?!!! Ay bongga!!! Congrats teh marami kang matutulungan nyan yung mga taga ABS na nawalan ng work. I’m so proud of you teh congrats!!! Pwede ko ba ipost yan?”

Sagot ng TV host/comedian, ”Im so excited!!! Nakikiliti na naman ang utak ko. I’m taking the challenge of the new normal. And I’m so happy kasi I’m taking the lead.”

At sabi pa ni Koko, ”Miss nyo na ba sya? Well the long wait is over July 17 sabay-sabay natin salubungin at ipagbunyi ang pagbabalik ng Phenomenal Superstar ‘THE VICEGANDA NETWORK!’ oh my ghad excited much I’m so proud of you Jose Marie Borja Viceral.”

Pero hindi matutuloy ang launching ng The Vice Ganda Network sa Hulyo 17 dahil hindi pa plansado ang lahat base na rin sa aming source na nasa likod ng network ni Vice.

Mala-Showtime at Gandang Gabi Vice ang style ng The Vice Ganda Network at wala itong conflict sa ABS-CBN dahil sa online naman ito mapapanood.

“Ibang platform naman,” sabi pa ng kausap namin.

Ang TV host ang producer ng digital network niya at katuwang niya rito ang Viva dahil sila ang in-charge sa technical at marketing. Yes, ang kompanya ni Boss Vic del Rosario ang hahanap ng sponsors para sa network ni Vice.

Sa tanong namin bakit hindi taga-ABS ang kinuha ni Vice na gumawa ng digital network niya, eh, marami naman siyang kaibigan doon, ”Hindi ko alam, baka siguro hindi pa kaya or baka kasi busy sila sa problema nila, ayaw namang makisabay ni Vice.  Kaya nga naurong ang launching, di ba?” saad pa.

Ang Oomph!TV na pag-aari rin ng Viva ang kapartner ni Vice sa The Vice Ganda Network.

Maraming puwedeng i-guest si Vice sa network niya kasama na ang mga kaibigang nawalan ng trabaho sa ABS-CBN at puwedeng Viva artists since taga-Viva rin naman talaga siya.

Ang Viva kasi ang namamahala ng movie career ni Vice at ABS-CBN naman sa mga show niya sa TV.

Teka, may kontrata pa ba si Vice sa ABS-CBN?  Kasama rin ba siya sa ini-release o nagpa-release na siya?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …