Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daddy Ernie nina Angelika at Mika, pumanaw na

NGAYONG araw, Lunes ike-cremate ang ama nina Angelika at Mika Dela Cruz na si Daddy Ernie na pumanaw nitong Sabado na ang final findings ay Covid complications.

Ang pahayag ni Mommy Angellika Egger nang maka-chat namin kahapon, “Daddy died of COVID complications, there is no burol. He will be cremated tomorrow.”

Sa mga nauna naming pag-uusap ng ina ng magkakapatid na Angelika, Erick, at Mika ay hindi Covid ang sakit.

No, negative twice. Heart and lung failure ‘coz of lack of oxygen caused by pneumonia,” ito ang laging sinasabi sa amin.

At nitong Sabado nakita ang findings.

Simula nang ma-ospital si daddy Ernie ay parati naming nakaka-chat ang mag-inang Mommy Egger at Angelika para sa kalagayan at laging sagot sa amin, “He is still critical, showing just very slight improvements.”

Twenty days nanatili sa Coronary Care Unit o CCU si Daddy Ernie.

Ang madamdaming post ni Angelika nitong Sabado nang malamang wala na ang ama.

Daddy you are my best friend ang kakampi ko sa lahat. I’m heartbroken dahil iniwan moko agad. I love you so much Dad. Mabuti kang tao na maraming tinulungan.. pahinga ka na.  Rest in Peace Dad masaya ako para sayo at mag kasama na kayo ni Edward till we meet again  mahal na mahal kita #daddysgirl,” say ng aktres cum Barangay chairman ng Longos, Malabon City.

Mula sa pahayagang Hataw, nakikiramay kami sa naulila ni daddy Ernie.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …