Thursday , December 19 2024
coco martin ang probinsyano

Ang Probinsyano ni Coco Martin, nakasalang nang mawala ang signal ng TV Plus  

TAMA at vindicated ang former Kapamilya singer na si Daryl Ong sa kanyang paniniwalang mahirap kalaban ang gobyerno.

Post ni Jay Sonza nitong Hunyo 29, Lunes:

“The TVplus, KBO & Sky Direct gadget buyers can bond together & file a class suit jointly and severally versus ABS-CBN broadcasting corporation and AMCARRA Broadcasting Company, and its officers and owners. Ito iyong payo ng mga fraternity brothers and sisters kong mga abogado.”

Nitong June 30, habang nakasalang ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa Cinemo channel ng ABS-CBN TV Plus nang biglang mawala ang signal sa TV.

Bukod sa Cinemo, naglaho rin ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, at KBO.

Bukod-tanging ang GMA-7, GMA News TV, CNN, at TV5 ang naiiwan sa mahiwagang black box.

After that, napabalitang sinibak na rin ang SKYdirect, which has some 1.5M subscribers, but the SKYcable and SKY broadband stayed for the simple reason that it was not affected by the franchise expiration of ABS CBN.

Pinag-usapan rin ang cryptic message ni Jimmy Bondoc Tuesday afternoon. Full of enigmatic meaning ang post ni Jimmy Bondoc on Facebook:

“Balang-araw, and very soon, may maglalabasan na mga spokesperson ng biggest network. Sila ay babaliktad publicly.

“Kahit ang mga pinaka-vocal na spokespersons nila, artist man o iba, kung sakaling talagang matalo na ang network, ay biglang maglalabas ng ‘horror stories’ nila, at kung paaano silang ‘napilitan ipagtanggol’ ang sistema ng network.

“Lalabo bigla ang usapan. May mga kilala ako ngayon, tulad ng isang beteranang artista, na biktima ng sistema ng network. A very valid claim.

“Pero pagdating ng mga hindi totoong claim, magkakahalo-halo na ang totoong kawawa sa mga balimbing.

“The weeds and the wheat…”

Patuloy pa ni Jimmy, “Ako po ay hindi kailanman magbubudbod ng asin sa mga bukas na sugat.

“Ipinagdarasal ko lagi ang mga kaibigan ko sa network na apektado ng non-renewal. Ngunit ang nagdulot nito sa kanila ay ang network, hindi ang gobyerno.

“Kaya lang ako nagbababala ay dahil nakatatakot isipin na ang mga mismong tagapagtanggol nila ngayon ay, sa isang iglap, maaaring bumaligtad, upang muling yakapin ng sambayanang Filipino.

“At dahil madalas napapatunayan na maiksi ang alaala ng Filipino at likas na mapagpatawad, hindi malayong mangyari na ang mga mismong nagmumura at nanlalait ngayon sa mga ‘DDS’ ay balang-araw, susuyuin silang muli sa pamamagitan ng kagandahan, tawanan, at iyakan.”

Panawagan lang daw niya sa mga makauunawa, maging mapagpatawad, ngunit ‘wag sanang maging makakalimutin.

Na ang laging top priority raw natin is to protect the President.

Siya lang daw ang totoo nating kakampi.

Was it mere coincidence that the signal of Kapamilya channels went off the air while Coco Martin’s soap was being viewed on the air?

Sa true, naglaho raw na parang bula ang Kapamilya channels ng ABS-CBN TV Plus (mahiwagang black box).

Hindi raw sinadya na sa pagkawala ng ABS-CBN TV Plus ay saka naman rumaratsada ang GMA Affordabox.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *