Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nick Vera Perez, aktibo sa pagtulong sa panahon ng pandemya

HINDI man natuloy ang I Am Ready Grand Concert ng tinaguriang Total International Entertainer na si Nick Vera Perez last May 23, 2020 dahil sa Covid19 pandemic, naging aktibo pa rin siya sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan sa pamamagitan ng apat na major projects na pinamahalaan niya.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1. NVProjecTAAL20 – Inatasan ni NVP ang NVP1 Smile World angels para mamahagi ng food supplies sa 100 pamilya na naapektohan ng Taal eruption. 2. NVProject: PPP (Pagkain Para sa Pamilya) – May 45 poorest of the poor families ang natulungan ng NVP1WORLD Disaster Aide program nang mawalan ang mga ito ng pagkakakitaan dulot ng lockdown. 3. NVProject Press2020 – Ilang entertainment press na sumuporta kay Nick tatlong taon na ang nakararaan hanggang sa kasalukuyan ang naayudahan ngayong panahon ng pandemya nang mamahagi ng biyaya sa kanilang mga hapag-kainan — WeeChicken at tig-isang sakong bigas. 4. NVProject: PPE – Balik-pasasalamat ni Nick at ng NVP1Smile World sa UST College of Nursing sa pamamahagi ng PPEs (Personal Protective Equipments) sa mga healthcare workers sa mga hospital sa pamumuno ng Dean ng College of Nursing na si Rowena Chua at ilang propesor gaya nina Ms. Ida Tionko, Ms. Rouenna Villarama at Ms. Trinidad Ignacio.

 

Hindi matatawaran ang pagmamalasakit ni Nick sa sariling bayan kahit nasa Chicago, Illinois na at naglilingkod bilang isang registered nurse roon. Pinatunayan lang niya na hindi lang sa salita ang pagtulong kundi mas higit sa gawa.

 

Samantala, ang naantalang concert niya na dapat sana ay noong May sa Luxent Hotel Grand Ballroom na tampok ang mga special guest na sina Ynez Veneracion, Kikay/Mikay, Erika Mae Salas ng Viva/Ivory Records, at ang kanyang USA stars na sina Irelyn Arana at Rock Star Diva Rozz Daniels, ay makakasama pa rin ni Nick sa idaraos na show na may mga bonggang production numbers sa December 25, 2021.

 

Para sa iba pang detalye, maaaring sundan si NVP sa kanyang social media accounts sa Facebook, Instagram, at Youtube.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …