Saturday , November 23 2024
electricity meralco

‘Misteryosong’ Meralco billings dapat isunod ng Kamara at Senado

NOONG nakaraang buwan ng Mayo, kabi-kabila ang reklamo sa tila ‘putok sa buhong’ Meralco billings na sumisirit talaga sa sobrang taas kaya maraming consumers ang nag-alboroto.

Bakit putok sa buho?

E kasi, hindi alam ng consumers kung saan nanggaling ang kuwentada ng Meralco bills. Paanong nakuwenta ng Meralco ang konsumo ng consumers kahit wala namang nag-reading ng metro ng koryente.

E ‘di ang rason nila ‘yung sistemang averaging kuno. Walang meter reading kaya ang kinuha ang ‘bill’ noong 2019 sa mga ng Disyembre, Enero at Pebrero, at swak, ‘yun na raw ang konsumo na pagbabasehan ng billing sa buwan ng Marso.

At ‘yung mga buwan na pinagkuhaan ng pagbabasehan ng Meralco bill para sa Marso, ay mga bill na nabayaran na natin (December, January, February).

At sa naisip nilang sistemang averaging mula sa bayad na bills, ‘e hindi ba maliwanag na maikokompara ‘yan sa ‘broad daylight hold-up?’

Wattafak!

Swak na swak talaga ang consumers sa ganyang sistema ng Meralco.

Umangal ang maraming consumers hanggang utusan ng Kamara ang Energy Regulatory Commission (ERC) na busisiin ang Meralco billing na ginamitan ng eskemang averaging.

Hayun, biglang bawi ang Meralco, ang sabi ipababasa na lang ang metro ng koryente at ibabase na lang sa aktuwal na konsumo ang kanilang billing.

‘Yung aktuwal na konsumo na umano ang lalapatan ng eskemang averaging. Kaya balewalain na raw ang naunang bill at hintayin ang mga meter reader para basahin ang buong konsumo mula buwan ng Marso hanggang Hunyo. Bale tatlong buwan po ‘yan.

E ‘di kahit paano, napanatag na naman ang mga consumer.

Pero kaunting kapanatagan na muli na namang nabulabog dahil pagdating ng panibagong Meralco bills mula Marso hanggang Hunyo e ginulantang na naman tayo ng nakagugulat na mga numero na hindi natin alam kung saan na naman nanggaling.

Bigla tuloy nagsulputan ang mga tanong na, may nag-reading ba ng metro mula sa Meralco? Kailan? Hindi namin nakita at hindi naramdaman.

Hindi ba’t kapag nag-reading ang meter reader ay nagbibigay ng anunsiyo na nagsasabing “na-reading na po,” para maitanong ng consumer kung ilan ang konsumo at kung nagta-tally ito sa nakaraang reading?!

Bakit kung kailan kritikal at maraming reklamo sa Meralco bills saka naman nawawala ang ganitong nakagawiang sistema na makatutulong para maitsek talaga kung may nangyayari ngang pagbabasa ng metro.

‘Yung mga meter reader ba talaga ay nagpupunta sa bawat residensiya para magbasa ng metro? O nanghuhula lang din dahil natatakot na mahawa ng COVID-19? Paano natitiyak ng Meralco na ligtas na nakapagbabasa ng metro ang mga meter readers?!

Ilan lang po sa mga tanong  ‘yan, pero ang ultimong gustong malaman ng consumers, bakit parang gusto ng Meralco na ‘mangisay’ na parang nakoryente sa kabiglaanan ang mga consumer dahil sa Meralco billings?

Totoo bang dahil walang operations ang malalaking establishments gaya ng malls ‘e sa residential consumers binabawi ng Meralco ang iba’t ibang kargahin gaya ng transmission , system loss, distribution, government taxes, at universal charges?!

Pansinin po ninyo sa mga bill ninyo ang charges sa transmission, distribution, at government taxes  — grabe ang isinirit.

‘Napakamisteryoso’ ng mga charges na ‘yan.

Ngayon, wala bang balak ag Kamara at ang Senado na busisiin ‘yang gingawa ng Meralco?!

Kung napagtutuunan ng pansin ng Kamara o ng mga mambabatas ang ABS-CBN na nagbibigay ng entertainment sa mga nabuburyong na tao dahil sila nga ay naka-lockdown, bakit hindi ang Meralco na pinagmumulan ng stress at kunsumisyon ng marami nating kababayan ngayong panahon ng pandemya?

At ‘yun ang talagang nakagagalit — may pandemya na nga, nilalamangan o ginagantso pa ang consumers!

Mga pogi, maaangas, at matatalinong mambabatas ng Kamara at Senado, aba, dito ninyo ibuhos ang galing ninyo sa ginagawang ‘palusot’ o ‘panlalansi’ ng Meralco. Kapag pinabayaan lang nating lahat ‘yan — ‘yan na ang gagamitin nilang basehan sa mga susunod na billings.

‘Yung Meralco naman po ang bulabugin natin kaysa tayong mga consumers ang nabubulabog!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *