Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bilis, lakas napanatili ni Pacquiao

INILABAS   ni eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang bilis at lakas sa paunang ensayo  kahit mahigit 40 anyos na ito.

Nag-post ng video si fighting senator sa kanyang twitter account ng ensayo nito, nakita doon ang walang humpay na training kahit na may COVID-19 pa sa bansa.

Bilis ng kamay at lakas ng suntok ang nasilayan sa video kung saan ay parang pinahihiwatig ni Pacquiao na kaya pa nitong mag­patulog ng kalaban.

Maraming nagha­hangad na makaharap si Pacquiao pero sa ngayon ay di pa tiyak kung sino ang sunod niyang maka­kaharap.

Ang mga humahamon  sa Pinoy boxing legend ay sina four-division champion Mikey Garcia, IBF world welterweight champ Errol Spence Jr. at WBO Welterweight World Champ Terence Crawford.

Samantala, nais naman ng rematch ni Keith Thurman at ang matagal nang nilulutong ‘MayPac3’ o muling pakikipagbug­bugan kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …