Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, Save The Children ambassador na

ISANG ganap nang Save the Children ambassador ang magandang aktres na si Ria Atayde. Ang Save the Children Philippines ay opisyal na winelcome ang anak ni Ms. Sylvia Sanchez bilang pinakabago nilang ambassador.

Ipinahayag ni Ria ang kahalagahan para sa mga kilalang per­sonalidad na tulad niya na gamitin ang kanilang bo­ses sa mga makatuturang layunin.

Esplika ng Kapamilya, aktres, “It is important for celebrities and ambassadors to use their voice and platforms for a greater cause. This role of helping our country’s children gives more meaning to my life.”

Ayon sa Save the Children Philippines, si Ria ay nangalap ng pondo para sa frontliners’ protective gear at mga pagkain, nagsagawa ng feeding programs para sa mga bata sa mga maralitang pamilya, at nagkaloob ng tulong sa mga maysakit sa pagsisimula ng pandemic.

Noong 2016, si Ria ay nag-volunteer sa Save the Children Philippines sa pagkalap ng pondo sa mga batang namamatay sa gutom at malnutrition sa Metro Manila at Southern Mindanao.

Kasama ni Ria sa Save the Children Philippines ang dating Miss World Philippines 2018 na si Katarina Rodriguez at child star na kinagiliwan ng madla sa pelikulang Miracle on Cell No. 7 na si Xia Vigor, sa pagtataguyod ng children’s rights on education and health, sa kasagsagan ng mga pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic.

Congrats sa iyo Ria.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …