Sunday , November 24 2024

Palalayain tayo ng katotohanan

FOR justice will prevail and all the morally upright will be vindicated.  — Psalm 94:15

HINDI ko inakala na magagamit ko ang popular na bersong ito mula sa Psalm 94:15.

Kahapon, pagkatapos ng halos anim na taon, inabsuwelto kami sa asuntong Libel na isinampa laban sa amin ng isang police officer dahil sa isang kolum na tumalakay sa estado ng isang police community precinct  (PCP) na mabilis magpakawala ng mga drug suspects. Base ito, sa mga dokumentong ibinigay sa atin ng ating mga impormante.

Nagpapasalamat kami, una sa Diyos, dahil sa kabila ng mga panggigipit, ay hindi niya kami pinababayaan.

Ikalawa, sa aming abogado, na si Atty. Berteni “Toto” Causing, na kahit puyat o galing pa sa airport mula sa malayong probinsiya ay tinitiyak na makararating sa aming hearing.

Sa mga kasama ko sa asunto, na sa kabila ng maraming pagsubok  ay hindi pinanghinaan ng loob kaya kami’y nanatiling solid sa pagharap sa nasabing kaso.

Sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na kasalukuyang pinamumunuan ni Nonoy Espina, kay former chair Rowena Carranza Paraan, at sa napakasipag na director Sonny E. Fernandez, na siyang tumindig at nagpakita ng suporta sa amin kahit hindi nila kami miyembro.

Sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), na hindi nagsawang subaybayan ang asunto at palaging humihingi ng updates, maging sa panahon na gusto kaming tanggalan ng opisina.

Sa mga kaibigan at kumpare na parang ‘imaginary friend’ lang pero mabilis pa sa alas-kuwatro kapag kailangan namin ng suporta.

Sa mga kasama sa media na naniniwala sa amin pero nakalulungkot na ‘dinadagang’ magpakita ng suporta sa laban namin. Huwag kayo mag-aalala, nauunawaan namin kayo.

At kay Judge Marivic T. Balisi – Umali, na kahit hinainan namin ng Motion to Inhibit the Presiding Judge ay hindi kami pinersonal at bagkus ay sinikap na maging parehas o patas ang kanyang sala throughout the trial years.

At hindi kami nagkamali.

Sa wakas, ay nakamit namin ang katarungan matapos kaming absuweltohin sa kasong Libel na ibinibintang laban sa amin.

Nagpapasalamat tayo dahil nagabayan tayo nang husto at naipresenta natin bilang ebidensiya ang police report na batayan ng isinulat nating kolum.

Ang ‘asuntong’ ito ay lagi kong idinidikit sa karakter ni Judas Iscariote dahil gaya sa isang magnanakaw na sumasalisi sa disoras ng gabi, mabilis nitong nahablot sa amin ang aming kalayaan — sa panahon ng Semana Santa.

Noong 25 Marso 2015, tatlong araw bago ang Semana Santa, inahain ng Office of the City Prosecutor ang mga impormasyon para sa dalawang kaso ng Libel.

At noong Lunes Santo, 30 Marso 2015, mabilis na naglabas ng warrant of arrest si Judge Noli Diaz ng Branch 39 RTC Manila, epektibo laban sa inyong lingkod at sa kasama ko sa asunto.

Pero noong 5 Abril 2015, Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay, ‘sinalubong’ ang inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport ng mga pulis mula sa Manila Police District (MPD) sa pangunguna ng isang S/Insp. Salvador Tangdol para arestohin sa visa ng nasabing arrest warrant.

Kasama ko noon ang aking pamilya — ang aking mga anak — na hindi maikakailang hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa ‘masamang sorpresa.’

Sa madaling sabi, mag-isa akong dinala sa MPD headquarters ng mga umaresto sa akin. Doon ko nalaman na ako pala ay may asuntong bago-bago pa lang naisasampa at hindi pa nabibigyan ng kopya ng demanda ang aming opisina.

Nagulat talaga ako noon sa bilis umaksiyon ng korte at pulisya.

At dahil araw ng Linggo noon, walang mga opisina kaya hindi namin maasikaso agad ang aming piyansa.  Ipinagpasalamat ko noon na tumaas ang aking blood pressure dahil nadala ako sa ER ng isang ospital at doon nagpalipas ng gabi.

Kinabukasan ay dinalaw tayo ng ‘alamat’ na si Mayor Fred Lim sa Manila Doctor’s Hospital. Ipinaayos na rin namin ang piyansa.

        Sa totoo lang, hindi naman tayo masyadong nasaktan sa ginawa ng umasunto sa amin.

Mas masakit ang balaraw na pataksil na itinarak sa aking likuran ng mga taong pinagtiwalaan natin noong araw at itinuring na kaibigan — sa pamamagitan ng kanilang pakikipagsabwatan sa nang-asunto sa amin.

Aral iyon na hindi natin lilimutin habang buhay.

At sa kautusan na inilabas ng sala ni Judge Marivic T. Balisi – Umali, inilinaw na:

There is nothing malicious or defamatory in the statement that the drug pusher was arrested when Officer Ibay was assigned to PCP Don Bosco. Accused Yap, to prove the veracity of his statement of the arrest of the notorious drug pusher presented the following in Court, the incident report relative to the subject suspect;  the mug shots of the suspect, and the memorandum of the incident.

There is nothing in the article that destroyed the reputation or dishonored or besmirched the reputation of Officer Ibay. There is a reason to believe that the Officer entertained the thought that he was to be blamed for the release of the notorious drug pusher. That however, is not what the article put across. 

The Court has reason to believe that Officer Ibay was so blinded by his animosity towards accused Yap and the tabloids because of the previous write-ups for or against him that he did not anymore bother to carefully read the subject articles…

Words which are merely insulting are not actionable as libel or slander per se, and mere words of general abuse however opprobrious, ill-natured, or vexatious, whether written or spoken, do not constitute a basis for an action for defamation.

Officer Ibay is a public official. He is young and has a bright future as a police officer ahead of him. As a public officer now and then he will be criticized and praised for every action he takes. He could even be hailed to court for his action or decisions. Indeed, he cannot please everybody.

“A public officer must not be too thin-skinned with reference to comment upon his official acts. Only thus can the intelligence and the dignity of the individual be exalted. The public officer may suffer under a hostile and unjust accusation; the wound can be assuaged with the balm of a clear conscience.”

PREMISES CONSIDERED, in Criminal Case No. 15-313953 accused JERRY S. YAP, GLORIA GALUNO, EDWIN ALCALA are ACQUITTED of the charge.

In Criminal Case No. 15-313954 accused JERRY S. YAP, BECKY RODRIGUEZ are ACQUITTED of the charge.

SO ORDERED.

June 8, 2020, City of Manila Philippines.

        At sa huli, nais nating ipagpasalamat na noong 8 Hunyo 2020 ito ginawa ni Judge Marivic T. Balisi-Umali. Kahapon ko lang nalaman base sa dokumento ipinasa sa amin ni Atty. Causing. 

Ito po ang pinaka-espesyal na regalong natanggap ko sa aking 58th birthday.

Muli, maraming salamat po sa lahat.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *