At the age of 43, tatlong taon nang Zumba instructor si Wowie de Guzman.
Bagama’t naging byword siya wayback during the ‘90s as part of the famous dance group na Universal Motion Dancers (UMD), Wowie was not in the least expecting that he would enjoy being a dance instructor.
Matatandaang more than five years na namayagpag ang tandem nila ng kilalang dramatic actress na si Judy Ann Santos.
Nagkaroon din sila ng emotional involvement.
Pero pagpasok ng year 2000, Wowie has opted to focus in doing theatre plays.
Dumating raw sa puntong may nag-invite sa kanyang i-try ang pagiging dance instructor ng Zumba, na wala raw sa kanyang expectation na mai-enjoy niya ito. “Noong una, hindi ko siya pinapansin kasi nai-intimidate ako because hindi ako sanay magturo ng one hour,” Wowie intimated.
Oo nga’t sanay raw siyang sumayaw sa entablado pero hindi parte sa kanyang balak ang magturo.
It all started in the year 2017 when he was invited in a Zumba event.
“Akala ko mahirap, nakita ko ganoon din pala.
“It’s just that nagsasayaw ka lang, simple lang, hindi kailangan mahirap.
“So 2017 nang nagsimula ako.”
He started out by way of some guesting in some Zumba event.
For example, he was able to befriend some Zumba instructor, and they would invite him in some of their events.
Sabi raw niya, ‘Ano’ng gagawin ko, hindi nga ako marunong?’
Ang advise raw sa kanya, isayaw niya ang mga dance step na pinasikat ng kanilang grupong UMD wayback in the ‘90s.
Pag-akyat pa lang daw niya ng entablado, naging mainit daw agad ang pagtanggap sa kanya.
“So, nagulat nga ako na, ‘Ganito pala ‘to,’” he said in retrospect.
“Noong unang sampa ko pa, nagtataka ako bakit nakapang-exercise kasi akala ko ang Zumba, para siyang ballroom.
“Siguro dahil nga performer ako, noong time na umakyat na ako ng stage, siyempre nagsigawan, noong isinayaw ko na iyong ‘Dying Inside,’ iyong mga tumatak sa amin,” he said in obvious reference to the songs popularized by the UMD during the 90s.
Mga co-actors rin daw ang nag-encourage sa kanyang maging dance instructor tulad nina Joshua Zamora at Regine Tolentino.
Dahil sa popularity ng Zumba, it was able to open up opportunities to Wowie de Guzman.
Ngayon tatlong taon na raw siyang nagtuturo ng sayaw at nalibot na rin niya ang Filipinas.
Labis raw niyang ikinatutuwang maraming participants ang excited na makita at makahalubilo siya.
Na-overwhelm raw siya at first dahil unang-una, he wasn’t visible on TV for the longest time.
Dito na raw na-realize ni Wowie na importante rin ang pagiging dance instructor.
“So iyong mga iyon, iyon ang nakapagbibigay sa iyo ng… nai-inspire ka lalong gumawa ng maraming sayaw.
“And at the same time, mas pagbutihin mo pa iyong ginagawa mo because na-realize ko, nakatutulong ka rin because fitness rin ang Zumba, e.”
Kahit raw sabihin na sayaw lang siya, nakatutulong din siya sa elderly. Karamihan raw na uma-attend sa session nila ay mga 40 pataas.
May mga 80s pa nga raw on the side.
Anyhow, dahil may pandemic sa ngayon at ipinagbabawal ang mga mass gathering, ang main preoccupation sa ngayon ay pagtuturo ng sayaw via online.
Bumuo raw siya ng group ng Zumba instructors na mga taga-Norte na tinawag niyang The North Connection.
Lagi raw niya ngayong sinasagot iyong mga nagme-message sa kanyang Facebook page.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.