Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mikee at Andre, komportable sa isa’t isa

HINDI nakalagpas sa libo-libong fans ang kakaibang chemistry nina Encantadia stars Mikee Quintos at Andre Paras sa two-part vlog ng Kapuso actor na special guest ang dalaga.

 

Sa eksklusibong panayam nila sa 24 Oras, inilahad ng dalawa kung gaano nga ba sila ka-close sa isa’t isa. Kapansin-pansin naman ang natural na kulitan at pagiging komportable nina Andre at Mikee sa gitna ng interview.

 

Isa sa mga napag-usapan ay ang post-ECQ hairstyle ni Andre, mula kasi sa kanyang balbas-saradong look ay clean cut na ito na ginupit pa mismo ng inang si Jackie Forster.

 

Biro ni Andre, paghahanda talaga n’ya iyon para sa interview nilang dalawa ni Mikee.

 

Inamin naman ng actress na nagustuhan nito ang new look ng binata,  “Gusto ko, ang linis tingnan.”

 

Samantala, binanggit din ni Andre na noon pa man ay magaan na talaga ang loob nila sa isa’t isa. “It’s more of ‘di na kami nagbaba-bye, hinihintay na lang namin na lumaylay ‘yung conversation which never happens so very rare lang ‘yon.”

 

Kasalukuyang napapanood sina Mikee at Andre sa rerun ng award-winning telefantasya na Encantadia tuwing gabi sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …