EXCITED na ang mag-asawang Max Collins at Pancho sa pagdating ng kanilang baby boy, dahil next month ay manganganak na ang aktres.
Mix emotions (masaya at kabado) ang nararamdaman ni Max dahil sa wakas ay magkakaanak na sila ni Pancho. Kabado, dahil first time niyang manganganak, pero mas lamang ang excitement na nararamdaman.
Ipinost nga nito sa kanyang Instagram ang paghahanda sa pagbubuntis at panganganak sa pamamagitan ng pregnancy workouts at isa na nga ang pilates.
Tsika ni Max, “So thankful for pre- natal Pilates, trying to gain my strength for the big day! Thank you.”
Nag agree nga ang pamilya Magno sa home water birth para kay Max para maging safe ang baby at ang actress ngayong may Covid-19 pandemic.
MATABIL
ni John Fontanilla