Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Bong Go, nanawagan ng suporta sa live events workers na apektado ng Covid19

HINIKAYAT si Sen. Bong Go ang concerned government agencies na magkaloob ng alalay sa displaced live events workers na apektado ng Covid19, lalo sa mga  hindi makapag-operate dahil sa social distancing and community quarantine measures na ipinatutupad sa bansa.

Saad ni Sen. Go, “Bawal talaga ang pagtitipon kaya tulad nu’ng mga nasa live events organizing, kailangan maghanap ng ibang pagkakakitaan.”

Ayon kay Sen. Go, kabilang sa displaced workers ang nasa live events o mga ordinary workers sa entertainment industry, lalo na sa mga negosyong hindi makapag-operate at this time, dapat na bigyan ng utmost attention ng gobyerno. “Ang mga tao sa entertainment industry ay apektado rin po, lalong lalo na ‘yung ordinaryong manggagawa tulad nu’ng parte ng mga production crew bilang halimbawa. Ito po ‘yung mga kababayan nating bumubuhay sa industriya ng sining na ngayon ay hirap makabalik sa kabuhayan nila.Tulungan nating mapagaan ang pinapasan ng mga nasa ganitong uri ng industriya. Wala pong dapat mapabayaan sa panahon ngayon. Magbayanihan tayo para malampasan ang krisis na ito at makabangon agad ang bawat Filipino,” aniya pa.

Sinabi ni Senator Go, dapat pansinin ng concerned government agencies, gaya ng Department of Trade and Industry at ng Department of Labor and Employment, ang situation ng mga displaced workers at siguruhing may mga programs na puwedeng mag-assist sa kanilang pasanin dulot ng krisis na ito.

Suggestion ni Go, ang mga negosyong engaged sa nasabing industriya ay puwedeng mag-avail ng emergency loans at financing program para sa micro, small at medium enterprises. Ang DTI sa ngayon ay nag-i-implement ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program under ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) program, which aims to help enterprises stabilize or recover from losses due to the health crisis.

Sa pamamagitan ng DTI’s Small Business Corporation, ang CARES Program ay part ng government relief effort para sa micro and small enterprises na apektado ng COVID-19. Halimbawa, ang mga MSEs na nag-o-operate ng at least a year prior to March 16, 2020 at may assets na hindi lalagpas ng P15 million ay puwedeng mag-avail nito. Ang Micro enterprises na may asset size na hindi lalagpas ng P3 million ay puwedeng humiram from P10,000 to P200,000, at ang small enterprises na may assets na hindi lalagpas ng P15 million ay puwedeng mag-apply ng loan na hindi lalagpas ng P500,000. Ang discounted interest ay nasa 0.5% only, with grace period of six months on principal payments.

Sinabi ni Senator Go, ang Department of Social Welfare and Development ay puwedeng mag-provide ng emergency assistance sa affected individuals na galing sa nasabing industriya through Assistance for Individuals in Crisis Situations Program.

Dahil sa apela noon ni Go, naipatupad ang Small Businesses Wage Subsidy program. Sa SBWS program, bawat eligible worker na nasa low to medium-middle class under the identified affected business ay puwedeng makakuha ng wage subsidy na P5,000 to P8,000 as indicated by the Department of Finance guidelines and implemented by the Social Security System.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …