Monday , November 18 2024

Daryl Ong, banned sa ABS-CBN

HINDI raw siya umalis sa ABS-CBN. Tinanggal raw siya and was banned.

Ito ang controversial statement ng singer na si Daryl Ong right after na batikusin ng netizens and was accused of taking advantage of ABS CBN’s temporary closure so that he could transfer to another network.

Daryl was a semifinalist of ABS-CBN reality show The Voice of The Philippines Season 2 last 2014.

He became known for singing the cover versions of the teleserye theme songs of the network’s “Ikaw” for FPJ’s Ang Probinsyano, “Stay” for On The Wings of Love, and “Ikaw Na Nga” for Bridges of Love.

The other day, naglabas siya ng video sa kanyang YouTube account so as to clear some misconceptions.

May ‘batas’ daw umano ang ABS-CBN management na nagbabawal sa kanyang lumabas sa anumang Kapamilya shows.

This is in connection with the leaked conversation of him and Bugoy Drilon in connection with the postponed renewal of the ABS-CBN franchise.

The incident happened while they (he and Bugoy) were at the airport for their flight Iloilo-bound in connection with an event where their group BuDaKhel had an appearance.

BuDaKhel of course stands for Daryl, Bugoy, and Michael “Khel” Pangilinan.

Daryl was the last to arrive at the airport, at nadatnan daw niyang nag-uusap sina Bugoy at Michael tungkol sa investment sa stocks.

Joining them in a table was a woman who used to work for ABS and another man whose identity was not known to them.

Na-bring up raw no’ng babae ‘yung current situation ng ABS that time in connection with the franchise issue.

“So sabi niya,” Daryl said, “medyo pa-sarcastic ‘yung biro niya, ‘Bakit di ka mag-invest sa ABS? Ayan o, bagsak ‘yung presyo nila sa stocks dahil meron silang kinakaharap na krisis.’

“Do’n nagsimula ‘yung topic about franchise issue.”

Hindi raw ini-expect ni Daryl na ini-record pala ng lalaking kasama nila sa table ang kanilang usapan tungkol sa online petition na humihikayat na ma-renew ang prankisa ng ABS-CBN.

Nasa Iloilo na raw sila and was having dinner nang malaman ni Daryl ang tungkol sa kanilang leaked conversation.

Tumawag raw ang road manager nila ni Bugoy na siyang nagpaalam sa kanila ng sitwasyon tungkol sa usapan nina Daryl at Bugoy sa state of things ng ABS CBN franchise na nakarating umano sa isang big boss ng network.

Apparently, ipinarinig raw ‘yung recording ng usapan nila no’ng guy na kaibigan raw pala ng big boss ng ABS CBN at ang impression ay wala silang utang na loob.

Ang kaso, hindi man lang daw sila nabigyan ng chance na magpaliwanag.

Sabi ni Daryl, wala naman daw siyang nasabing masama maliban sa komentong tila mahihirapan ang Kapamilya network sa pagpapa-renew ng kanilang prankisa.

Doon naman sa mga bumabatikos sa kanila dahil sa kanilang guesting sa Bawal Judgmental portion ng Eat Bulaga at sa guesting nila sa Tutok to Win ni Willie Revillame, sinabi niyang malaya na raw siyang mag-guest sa ibang network right after na pagbawalan silang lumabas sa ABS-CBN shows.

Nevertheless, ipinagdiinan ni Daryl na wala siyang sama ng loob sa ABS-CBN.

Malaki raw ang utang na loob niya sa nasabing network na naglunsad sa kanyang singing career.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *