Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charo Laude, positibo ang pananaw sa pagbubukas ng bagong business

MAS lalong dapat na magsipag at magsikap, tila iyan ang battle cry ng aktres at beauty queen na si Charo Laude ngayon. Kung pahinga kasi siya sa showbiz assignments bunsod ng Covid19, hindi naman siya nagpapigil sa paghataw sa kanyang mga business.

 

Ngayong Wednesday ay bubuksan ang kanyang Cha’ro Milk Tea business, at very soon ay susunod nang magbubukas ang kanyang Simon’s Place Supreme Resto Bar. “This Wednesday magbubukas ang Cha’ro Milk Tea, located sa Tomas Morato. Store opens at 10am-6pm,” saad ni Ms. Charo.

 

“Bale, soft opening lang ito. To follow na ang blessing, soon… Sabay ng Simon’s Place Supreme Resto Bar,” aniya ukol sa isa pa nilang bar na located din sa Tomas Morato Avenue.

 

Ito ang second branch nila, ang una ay sa Anonas, Manila at ang ikatlo ay sa Banawe, QC. Sakto sa name niya ang kanyang milk tea business, pero may ibang meaning din pala ito.

 

Esplika ng masipag na businesswoman, “Cha is for tea. Ro is for taro. Puwedeng by delivery, puwede na rin ang dine-in. For delivery, puwede silang tumawag sa 09778170123.”

 

Kahit mayroon pa ring Covid19, naniniwala siya na magiging patok ang pag-open ng business ngayon. “Yes, always think positive!” Nakangiting deklara niya.

“And lalo na now kasi siyempre ang mga tao ayaw lumabas. That’s why we have delivery naman, and milktea and frappe ang specialty namin dito, kaya sure ako na magugustuhan nila itong Cha’ro.”

 

Bukod sa itinanghal na Mrs. Universe Philippines 2019 at nagwaging Mrs. Universe Popularity 2019, napanood si Ms. Charo sa ABS CBN TV series na Kadenang Ginto. Sa pelikula naman, parte siya ng casts ng MOAX at Jolly Spirit Squad na parehong tinatampukan ni Joaquin Domagoso.

 

 

Si Charo ay dating member ng Monday group ng That’s Entertainment ni German Moreno. Siya’y naging Binibining Pilipinas 1998 official candidate at graduate ng kursong Mass Communication sa Centro Escolar University. Bukod sa pagiging endorser, TV and print ad model, kabilang sa mga pinagkakaabalahan niyang negosyo ang Charmish Nail Spa, Porkchon Lechon Belly and BBQ, at part owner ng Simons Supreme Bar.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …