Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TonJuls, may bagong teleserye; Tony, magde-daring sa BL

HAYAN magbubunyi na ang supporters nina Tony Labrusca at Julia Barretto dahil may bago na silang teleserye pagkatapos ng 7-episode digital series nilang I Am U na palabas sa iWant ngayon mula sa Dreamscape Digital Entertainment at IdeaFirst Company na idinirehe ni Dwein Baltazar.

Ang bagong teleserye nina Tony at Julia ay Cara y Cruz mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani na nakatakdang mag-shoot sa susunod na buwan at kasama rin sina Ronnie AlonteLoisa AndalioBarbie ImperialHeaven Peralejo, at Marco Gumabao.

In fairness ang lakas ng tambalang TonJuls, huh?

Samantala, gagawa ng digital series si Tony na BL o Boys Love na nauuso ngayon sa Thailand na ginawa na rin sa Pilipinas, ang Sakristan na idinirehe ni Daryll Yap.

Anyway, may post si Tony sa kanyang IG na, “Yeah, I’m just as shocked as you are. Say hello to Black Sheep’s first digital series, coming to you real soon. Keep your s peeled for updates in the coming days. Don’t be a stranger!”

Naunang ipinalabas ang BL series ng Thailand sa panahon ng lockdown kaya maraming nakapanood nito at naging word of mouth.

Ang BL project ni Tony ay handog ng Black Sheep, sister company ng Star Cinema na ididirehe ni Petersen Vargas kasama sina JC Alcantara, Patrick Quiroz, Migs Almendres, at Vivoree Esclito.

Sa online platform ito mapapanood isa sa mga araw na ito.

Kuwento ng aming source, target audience ng BL nina Tony ay mga milenyal dahil ito ang uso ngayon pero sinigurado naman na hindi ito daring at ang ka-loveteam dito ng aktor ay si JC Alcantara.

Ikatlong digital project na ito ni Tony at nauna ang pelikulang Glorious na most viewed at ang Love Lockdown na ipinalabas nitong Abril at isa rin sa maraming numbers of views ngayon.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …