Friday , January 3 2025

Richard Quan, nagwagi ng International Best Actor award para sa The Spiders’ Man

MINSAN pang pinatunayan ni Richard Quan ang husay bilang actor nang makamit niya ang panibagong acting recognition bilang Best Actor sa Accolade Global Film Competition 2020 para sa pelikulang The Spiders’ Man.

Pinamahalaan at tinampukan din ni Direk Ruben Maria Soriquez, nanalo rin siya sa naturang award giving body bilang Best Director at Best Supporting Actor. Wagi rin ito bilang Best Feature Film.

Nauna rito, nanalo rin ng Best Actor si Richard sa International Independent Film Festival para sa pelikulang ito na tinatampukan din nina Lee O’Brian, Rob Sy, Jeffrey Tam, Lanie Gumarang, at iba pa.

Gumaganap dito si Richard bilang autistic na kapatid ni Direk Ruben. First time ba niya sa ganitong role?

Tugon ni Richard, “Parang nakaganap na before, pero first time as lead… iyong character ko ay may autism na base sa true character.”

Kapag binigyan ng role na tulad nito, napi-feel ba niya kung pang-award ito? “Hindi! Iyon ‘yung last thing on my mind, importante lang na naniniwala ako sa mga katrabaho ko at magawa ko nang tama ‘yung hinihingi ng character ko. Ang adventure at reward sa acting –‘yung napupuntahan mo ang mundo ng character at nararamdaman mo ‘yung naramdaman niya, lahat ‘yun madali at enjoyable gawin, with a good director, co- actor at script,” aniya pa.

Paano siya nagpe-prepare sa role? “Aside from input from director and script- research at binubuo ko lagi character background kahit hindi hinihingi sa scene, importante na alam ko pinanggalingan niya, characterization is important. Sa point of view ko, laging mas motivation lahat ng challenges at ini-enjoy ko… nagiging challenge lang naman if walang discipline, focus at preparation ang actor, otherwise acting should be a rewarding process.”

Ano ang masasabi niya kay Direk Ruben? Bakit The Spider’s Man ang title nito? ”Direk Ruben is one of the best director and actor I’ve work with… a giving actor. As a director naman, binibigyan niya ng space ang actor to create and play around sa character… at meticulous siya!”

Dagdag pa ni Richard, “Spiders’ Man, kasi ‘yung character ko na autistic with slight schizophrenic, mahilig sa gagamba at ‘yun ang ginamit niya nang malagay sila sa alanganing situation.”

Ang The Spiders’ Man ay available sa Amazon Prime (U.S. territory only) at very soon ay magiging available na rin sa Asia.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Mali Elephant

Nadine nalungkot  preserbang katawan ni Mali idinispley 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na …

Pokwang apo Mae Subong

Pokwang lola na

MA at PAni Rommel Placente AFTER 4 years ay ngayon lamang ipinagtapat ni Pokwang na may apo …

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *