Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ashley Aunor, happy sa tandem nila ng kanyang Ate Marione

NAKAHUNTAHAN namin ang talented na singer/composer na si Ashley Aunor, na lagi kong sinasabing paborito naming rock star. Dito’y inusia namin ang latest sa kanya.

Kuwento sa amin ni Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash, “Naglabas po ako ng latest single na Diyosa ng Kaseksihan na may kasamang music video and yung three OPM cover na inilabas sa Star Music channel.”

Aniya pa, “Collaboration po namin ni Ate Marione iyong song, gawa ng Aunorable Productions.”

Kamusta ang feedback sa kanyang song? “Maganda po yung feedback and nalagay sa new music Friday sa Spotify at sa Spotify Pinoy Alternative Rock Playlist din.”

Nakatutuwa dahil after ng single niyang Mataba na kontra sa body shaming, sinundan naman niya ito ng Diyosa ng Kaseksihan na talagang makikita ang talento at self confidence ni Ashley.

Aminado rin ang bunso ni Ms. Lala Aunor na mas nag-eenjoy siya ngayon sa kanyang career. “Yes! Kasi mas sure na ako sa genre and career path ko especially noong inilabas ko yung Diyosa ng Kaseksihan and rock covers.”

Paano niya ide-describe ang kanyang music? “Rock na may touch ng classic rock,” matipid na pakli pa niya.

How about yung tandem nila ng kanyang Ate Marione, paano niya ito ide-describe? “Partnership siya, nagsusulat at nagpo-produce po kami para sa sarili namin and sa ibang artists,” saad pa ni Ashley.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …