PAGKATAPOS ulanin ng panglalait, saya at tagumpay naman ang inaani ngayon ni Kim Chiu.
Simula kasi nang irekord niya ang Bawal Lumabas, naging positibo ang pagtanggap dito ng publiko. Bukod sa naging instant composer siya, nakaakyat pa siya sa Wish Bus (na matagal na niyang wish) para roon kantahin ng live ang kanyang controversial song. At masasabi ring matagumpay na siyang singer.
After kasi ng 7 hours, naka-1M views agad ito, kaya naman record breaking si Kim sa history ng Wish Bus. Naka-3.4 million views naman sa loob lamang ng isang araw. Number 1 din ito sa Pinoy MYX Countdown.
Post ni Kim sa kanyang IG account na @chinitaprincess, “On behalf of Class 2020, I accept this honor. Maraming salamat sa inyo, classmates, for making this possible. Thanks also to Wish Bus for always welcoming ALL kinds of artists and genres. Totoo nga na music brings us all together. Nagsama sama tayo kahit BAWAL LUMABAS!!!!! Ay PWEDE NA PALANG LUMABAS!!!🤪🏻 stay safe classmates!!!! sa mga classmates kong may mabuting puso sana dumami pa kayo!!! 🤍 lets spread goodvibes and positivity. 3.4million views in one day wish live performamce!!!!🧡 @wish1075 again maraming salamat team mates @hoybekind #djsquammybeats and @starmusicph ️ #BawalLumabas #theclassroomsong”
Hindi lang ‘yan, pati ang #BawalLumabas merchandise niya ay sold out after one week na ito’y inilunsad.
Kaya naman sobra-sobra ang saya ni Kim dahil marami siyang matutulungang kababayan.
Anang aktres, “Hindi para pagkakitaan ko kundi para sa mga kababayan natin na #BawalLumabas merchandise. Proceeds of this limited edition merch will be donated for charity (food packages) and hopefully sana makapag-donate rin tayo sa project ni @therealangellocsin na mass testing project. Sana masabi na natin na one day pwede na tayong lumabas na LIGTAS.”
Sa IG din idinaan ni Kim ang balitang sold out ang kanyang Bawal Lumabas merchandise. “Classmates!!!!!🏻
#BawalLumabasMerch OFFICIALLY SOLD OUT this morning!!!️ never thought this shirt for a cause will be a success in less than 2 weeks malaki po ang matutulong nito sa mga pamilyang bawal paring lumabas and donation for mass testing! I will keep you posted on further updates🤍 again maraming maraming salamat️ @bawallumabas_merch #bawallumabasmerchSoldOut”
Congratulations Kim. Totoo ang kasabihang kapag inaapi, itinataas ng Panginoon.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio