KAHIT nagkaroon ng pandemic bunsod ng COVID-19, patuloy pa rin sa paglago ang BeauteDerm sa pamumuno ng masipag at mabait na President at CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
Base sa FB post ni Ms. Rhea, mayroong dalawang bagong BeauteDerm store — ang isa ay nagbukas kahapon, June 7 sa Robinsons Place Manila, ang isa naman ay this month, sa Balagtas, Bulacan.
Last month lang ay dalawang milestone naman ang ipinagdiwang ng Beautéderm Corporation sa pag-renew kay Ms. Sylvia Sanchez bilang isa sa top celebrity brand ambassadors, habang nag-launch ng bagong line of all-natural products.
Nagkaroon din recently ng BDTV, na itinatampok ang mga Beautéderm babies. Ang latest ay last June 6, featuring Ms. Sylvia, with special musical treat kay Rita Daniela, and hosted by Boobay & Darla.
Nabalitaan din namin na magkakaroon ng another Luxury For A Cause si Ms. Rhea — na nagpapa-auction ang very generous na misis ni Sir Sam Tan ng branded collections niya para itulong sa charity at mga biktima ng COVID-19.
Ang positive vibes na hatid ni Ms. Rhea at ang nakahahawa niyang kasipagan at kabaitan ay nagdudulot nang patuloy na paghataw ng kanyang beauty company. Kaya naman sadyang masarap pakinggan ang kuwento at pagbabalik-tanaw mula sa lady boss ng BeauteDerm nang siya ay nagsisimula pa lang sa negosyo.
“To those who don’t know, nagsimula lang ako sa pag-sideline. I just wanted to find a way to help change my life for my family but I did not expect I would be changing more lives than I could imagine. Our sellers growth are my greatest fulfillments, seeing them drive and passion towards success only reminds me why I continue to do what I do. Tulad ko, nagsimula lang sila sa “try.” Dahil sa sipag nila at tiwala sa Beautéderm, unti-unti nilang naaabot ang kanilang mga pangarap. Kaya n’yo rin ‘yun. Kasi “there’s nothing we cannot do.”
“Beautederm is more than just about beauty, it’s a lifestyle. A life changer. A livelihood. What started as a “trial” has now become a globally trusted brand, and I want to personally thank you all dahil parte po kayo ng tagumpay namin.
“I invite you to take part in our success and start building your own beautéful dreams. Kung kinaya namin at ng marami nang iba, kayang-kaya niyo rin. It’s possible.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio