Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, durog na durog (Banana Sundae, tsugi na)

DAHIL sa pagkawala ng ABS-CBN free TV, isa sa napagdesisyonan ng management ay magbawas na ng mga programa tulad ng Banana Sundae na umere ng 12 years, (Oktubre, 2008).

Kagabi ay madamdamin ang post ng isa sa cast ng gag show na si Angelica Panganiban para sa mga nakasama niya sa programa.

Aniya, “Halos labing-dalawang taon tayo nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao. Sa pinaka-unang pagkakataon kanina, umiiyak tayong lahat.. Masyadong masakit na makitang durog na durog tayong lahat.

“Sa ganitong panahon, ito ang pinakahuli nating pwedeng maramdaman… Ang mawalan tayo ng tahanan. Masakit. kasi, intensyon lang natin magpasaya, makatulong.

“Masakit, kasi, marami sa atin ang hindi na alam kung paano itutuloy ang buhay. Masakit kasi, magwawatak-watak na tayo. Sa mga salita na ibinabato niyo sa amin para tuluyan kaming tapak tapakan, walang sinabi ‘yun sa sakit na nararamdaman naming lahat ngayon.

“Pare-parehas naming hindi alam ngayon kung paano pa kami lalaban kung saan pa kami kukuha ng lakas. Gusto naming isipin na pansamantala lang ‘to. Magkikita-kita ulit tayo. Gusto naming lumaban para sa mga kasamahan namin sa trabaho. Gusto naming ipaglaban ang pamilya namin. Gusto na namin ng katahimikan sa mga tanong namin.

“Pero kahit ganito, lalaban kami. Magtutulungan kami. Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami. Palagi naming tinatanong sa simula ng show ang “okay ba kayo jaaaan” Ngayon naman, kami ang hindi “okay.”


“Kaya naman, hanggang sa muli na lang muna tayo mga ka-Banana. Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo.”

 

Ito ang caption ni Angelica sa ipinost niyang black and white picture ng buong cast and crew ng Banana Sundae sa pangunguna nina John Prats, Pooh, Ritz Azul, Sunshine Garcia, Jayson Gainza, JC de Vera, Pokwang, Zanjoe Marudo at iba pa.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …