Friday , January 3 2025

CN Halimuyak CEO Nilda Tuason, nagpaalala sa mabisang alcohol na panlaban sa Covid19

BILANG isang chemical engineer na eksperto sa alcohol, inusisa namin ang CEO ng CN Halimuyak Philippines na si Ms. Nilda Tuason kung paano malalaman ang effective na alcohol kontra Covid 19?

 

Esplika niya, “Ayon sa aking pananaliksik, maaaring ang mga nasa market na alcohol ay dati nang lumabas na produkto subalit ang mga sangkap nito ay nauukol sa iba-ibang application. Kaya nararapat po na suriin din sa label kung ano po ba ang sangkap nito at kung ito po ba ay inirerekomenda ng WHO, na nasuri na ito ang tamang formula sa pagsugpo sa coronavirus.

 

“Ayon po sa mga dalubhasang siyentipiko, ang pinakamabilis at pinakamabisang taas ng porsiyento ng alcohol ay nasa 70 to 73% po lamang. Sa ganitong sangkap lamang mamamatay ang coronavirus. Kaya ito lang po ang maaari nating gamitin sa panahon ng pandemic.

 

“Sa mga ginagawang produkto po ng CN Halimuyak Pilipinas, lahat po ay nauukol upang masugpo ang coronavirus at iba pang mga mikrobyo. Ito ay sa dahilan na ang hangarin natin ay makapagbigay ng tamang produkto sa presyong abot kaya, dahil sa panahon ngayon, lahat po ay nagigipit. Layon natin na makapag-ambag sa maliliit nating kababayan. Sisiguraduhin natin na ang kanilang bibilhin ay tama sa kalidad at presyong kaya ng bulsa.”

 

Dagdag ni Ms. Nilda, “May mga kaibigan din po na hangad ay magbenta upang kumita. Kami po ay patuloy na tumatanggap ng mga dealers upang makatulong din at maging bahagi kami upang makatawid tayo sa ganitong panahon ng crisis. Sa ngayon po ay nakalulungkot ipabatid na marami na pong fake alcohol.”

 

May tip ba siya sa consumers para tama ang mabili nilang alcohol, disinfectants, etc? “Maraming nagbebenta ng alcohol na hinaluan ng hindi tama at mistulang lason gaya ng methanol. May mga hindi rin po aprobado ng FDA, pero hindi po lahat nahuhuli at nababantayan.

 

“Sa ganang akin, dapat pong pumunta sa website ng FDA ang mga mamimili kung may permit at rehistrado po ang brand ng alcohol na binibili nila. Sa mga naghahalo naman po sa pagbili ng purong alcohol, sana po ay ipa-analyze ang alcohol sa mga accredited laboratories like DOST, ITDI, or PIPAC sa Ateneo de Manila University bago po ihalo or ilagay sa production. Sa ganitong paraan ay maiingatan po ang ating produkto at hindi po tayo makapagdudulot ng masamang epekto sa mga taong gagamit ng produkto, lalong-lalo na po ang mga sanggol at mga batang wala pang malay o mga taong walang sapat na kaalaman upang maunawaan kung anuman ang nakasulat sa labels ng produkto.”

 

Ang lady boss ng CN Halimuyak Philippines ay lubos na naapektohan nang nawalan ng alcohol ang groceries at drugstores, kaya naisip niyang tumulong muna at saka na magbenta. “Inuna ko pong tinawagan lahat ng mga doctor ng aming pamilya, nagpatulong ako para makarating sa mga doctor ang alcohol para po maging safe sila. Ako po mismo ang driver, naghahatid ng mga produkto sa mga doctor natin at pati sa probinsiya, sa pag-deliver ng mga raw materials at packaging. Malalaking bote, mga galon at container na po ang dinadala namin para sabi ko, hindi sila mawalan ng gagamitin.

 

“Minsan lang dumating ang pagkakataon na tayo ay makatulong, kaya po ‘yun ang naisip kong gawin – sa mga panahong walang mabiling alcohol,” aniya.

 

Sa ngayon, ang CN Halimuyak Philippines ay mas focus sa paggawa ng products na epektibo para sa coronavirus elimination. Kabilang dito ang alcohol, disinfectants, cleaners, deodorizers, antiseptic, at antimicrobial agents.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Mali Elephant

Nadine nalungkot  preserbang katawan ni Mali idinispley 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na …

Pokwang apo Mae Subong

Pokwang lola na

MA at PAni Rommel Placente AFTER 4 years ay ngayon lamang ipinagtapat ni Pokwang na may apo …

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *