Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Starstruck First Princess na si Lexi Gonzales, wish magkaroon ng teleserye

KINUMUSTA namin thru FB ang Starstruck Search First-Runner Up na si Lexi Gonzales, kung paano siya nagko-cope-up sa almost three months na pagka-quarantine bunsod ng COVID-19.

 

Tugon ni Lexi, “I’m doing great naman po while at home. Nagiging busy po ako lately in vlogging and in livestream gaming.”

 

Aniya pa, “Until now tuloy pa rin po ako sa regular workouts ko. May mga natutunan din po akong mga bagong bagay like new recipes sa pagluluto and napanood ko na finally ‘yung mga movie na ‘di ko pa napapanood before.

 

“As much as possible I have to do something productive every day.”

 

Ano ang mapi-feel niya kapag nagbalik na sila sa taping or shooting? “I’ll feel happy po kasi matagal ko na po talaga gustong makapagtrabaho ulit. Pero if ever man po na mag-back to work na po talaga kami, triple na po ang pag-iingat at siyempre, hindi mawawala ang alaga sa sarili para hindi magkasakit.”

 

Nalaman din namin na ang dream role ni Lexi ay maging isang super hero. “Ever since bata po ako, gusto ko po talagang maging superhero. Alam ko po kasi na masarap sa pakiramdam ang nakatutulong sa kapwa, plus kakaiba ‘yung inspiration na naihahatid ng superheroes sa mga batang manonood.”

 

Sino pang mga artista ang dream niyang makatrabaho? “Naku, marami po! Pero big dream ko po na maka-work talaga sina Ms. Cherie Gil at John Lloyd Cruz.”

 

Kabilang sa talent ni Lexi ang acting, singing, dancing and hosting. Siya ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center at ng TEAM ni Tyronne Escalante. Ayon kay Tyronne, umaasa silang magkakaroon ng soap opera si Lexi sa Kapuso Network very soon.

 

Nababagalan ba siya or happy naman sa takbo ng kanyang career sa GMA-7?

 

Sagot ni Lexi, “Hindi po ako nababagalan, kasi tuloy-tuloy naman po ang mga trabaho na ibinibigay ng GMA. Lagi rin naman po akong kontento sa lahat ng ibinibigay sa akin, pero marami pa po akong gusto maabot at marating kaya tuloy lang po ako sa pagtatrabaho nang mabuti.”

 

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career? “Wish ko po na magkaroon ng sarili kong teleserye, wherein doon po ako makikilala talaga,” sambit pa niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …