Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Local newscasts ng GMA Regional TV, mapapanood na sa GMA News TV

MAS marami pang Kapuso viewers ang makakapanood ng mga local newscast ng GMA Regional TV dahil simula noong Lunes (May 18), may replay na ang mga ito gabi-gabi sa leading news channel na GMA News TV.

Tinawag na GMA Regional Strip ang slot na bawat gabi, may isang local newscast ang eere tuwing 9:45 p.m..

Tuwing Lunes, ang leading North Central Luzon newscast na GMA Regional TV Balitang Amianan ang mapapanood. Pagsapit naman ng Martes, ang Kapuso local newscast sa Central and Eastern Visayas na GMA Regional TV Balitang Bisdak ang mapapanood.

Mas marami ring magiging updated sa balita sa Western Visayas dahil pwede nang mapanood ang pioneering unified Hiligaynon newscast na GMA Regional TV One Western Visayas tuwing Miyerkoles ng gabi. Bandang timog naman ang bibida tuwing Huwebes sa unified local newscast na GMA Regional TV One Mindanao.

Friday nights will never be the same dahil mapapanood na rin ang replay ng morning show na GMA Regional TV Live.

Bago ang replays sa GMA News TV, mapapanood ang mga GMA Regional TV newscasts Lunes hanggang Biyernes, 5:00 p.m. sa lahat ng local channels nationwide ng Kapuso Network.

Ang GMA Regional TV Live! naman ay unang mapapanood tuwing 8:00 a.m. sa GMA Regional TV Central and Eastern Visayas channels.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …