Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Friendship nina Paolo at Baron, matibay ‘di man madalas magkita

SA pilot episode ng GMA Artist Center online show na JUST IN: An Online Kumustahan with your Favorite TV Personalities, nakapanayam ni Paolo Contis ang isa sa kanyang longtime friends sa showbiz na si Baron Geisler.

Habang sila ay nagkukuwentuhan, nagbalik-tanaw ang dalawa sa kanilang mga pinagsamahan. Pinag-usapan din ng dalawang aktor ang kanilang mga project na pinagsamahan nang silipin nila ang kanilang throwback photos na nahalungkat ni Paolo sa baul.

Inamin naman ni Paolo na sobrang malapit sa puso niya si Baron at parang kapatid na rin ang turing niya rito.

“To be honest, sa lahat ng nanonood, Baron is very close to my heart. Siguro dahil sa haba na ng panahon, regardless kung hindi kami mag-usap nang matagal pero ‘pag nag-usap kami parang kahapon lang kami nag-usap. He has a very special place in my heart kasi mahal ko ‘yang kapatid ko na ‘yan,” wika niya.

Maaari pa ring mapanood ang honest at nakatutuwang kuwentuhan nina Paolo at Baron sa JUST IN.

Abangan ang JUST IN every Wednesday night kasama ang alternating hosts na sina Paolo at Vaness Del Moral sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …