Monday , November 25 2024
Arnel Ignacio malacanan

Arnell, mala-propesor magpaliwanag ng mga bagay-bagay

LAHAT ngayon ay tutok at gugol ang buhay sa harap ng kanilang laptops o kaya eh cellphones. Ito na ang paraan ng pakikipag-communicate sa panahon ng CoVid-19.
Halos lahat na yata ng celebrity eh, may kanya-kanya nang paraan ng pakikipagtsika sa lahat.
Isa sa mga nauna sa tsikahan online ay si DA Arnell Ignacio. Na never naubusan ng paksa lalo pa ‘yung mga napapanahon. Kaya lahat ng mga katanungan eh, nabibigyan niya ng sagot at paliwanag.
Kung may mga tanggap na tanggap siya at para nga siyang professor sa pagpapaliwanag niya sa mga bagay-bagay, aba eh, mayroon ding kontra-pelo.
At may pagkakataong nagiging patola rin o pumapatol sa ilang mga bastos ang balik sa kanya.
Isa sa kanyang reaksiyon sa isang tanong.
Bakit pa mag-aambisyon ang mga mahihirap mahango sa kahirapan eh kung umangat ka sa buhay kakalimutan ka na ng gobyerno mo? KUNG UMANGAT KA PALA EH kasali ka na sa magsisikap para suportahan ang mga mahihirap na pinananatili NINYONG MAHIRAP para madali ninyong mauto sa mga abot ng t-shirt at pamaypay sa election!!
Ngayon sino ka pala sa gobyerno kung HINDI ka mahirap? Maniwala kayo sa eleCTion at marinig ko kayo na sabihinG iaangat niyo kabuhayan ng mahihirap, sisigawan ko kayo na SINUNGALING!
 
“LAHAT ba naghihintay ng abot? Ha! Bakit hindi niyo man lang maisip ang bayad sa koryente tubig, renta sa negosyo o bahay, hulog sa loan eh pabawasan kahit itong panahon ng crisiS. Tuloy-tuloy ang bayad niyan!!!!!
 
“Matatalino kayo ‘di ba? Hanapin ninyo ang balanse kung paano magagawa na mabawasan ang mga bayarin. Guguho ba meralco, maynilad, manila water, at mga banko kung gagawin ‘yan ?!?!?!? Sa ganyang paraan ba, may ilalabas kayo na pondo?! Ha?!?!
 
“Kahit man lang sa mga bagay na ‘yan, sumagi ba sa isip ninyo ang HINDI MAHIRAP?
 
“SO ANO KAMI RITO SA PILIPINAS?
 
“PESTE BA KAMI ?”
Rito siya bumigay.
Say ni Arnell, “Dito sa bansa natin dapat pala ambisyon mo sa buhay eh, maging mahirap kung gusto mo na mailagay ka sa isip ng mga opisyales ng gobt.. Ang nakalilito lang kung hindi ka mahirap eh, sino gobyerno mo? Eh ‘di ka pala kasali lagi kapag may crisis. Wala naman pala pakialam sa iyo kung mas ok buhay mo dahil.nagtatrabaho ka. So, parang ang sistema aayusin mo buhay mo. Bayad ka ng tax nang matino para ibigay sa mga nakanganga lang. Ganoon ba. Lintek!”
May sumagot na Allan E. Bernardino.
Ikaw din naman sir arnel puro ka dada sa social media try mo kaya tumulong sa mga nasa middle east nasa OWWA ka ‘’di ba..kami andito ngayon kadarating lang naka-quarantine sana naman pabilisin n’yo ‘yung result ng swab test para naman makapahinga na kami at makauwi sa pamilya na naghihintay sa amin.”
Na sinagot ni Arnell, “Allan E. Bernardino ano kinalaman ko sa swab test Allan?Mga kagaya mo ang tinutukoy ko. Dada ka nang dada hindi ka nag-iisip. Una, hindi ka man lang nag-research kung taga-OWWA ako officially. O ‘di ba ngayon mukha ka lang tanga.”
Kaya may naglinaw kay Allan E. kung ano na ngayon si Arnell. Na pinasalamatan niya.
MANILA –Margaux “Mocha” Uson, former Assistant Secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO), has been appointed to the Overseas Workers Welfare Association (OWWA).
 
“According to a list of new presidential appointees, Uson was appointed as Deputy Administrator of the OWWA on Sept. 23 but a copy of the document was released on Monday (Sept. 30).
 
“She will be replacing former OWWA Deputy Administrator Arnaldo Arevalo “Arnell” Ignacio, who tendered his resignation in February this year.
 
“Presidential Spokesperson Salvador Panelo said Ignacio bared he resigned due to “personal reasons” and wished him well.
 
“OWWA is an attached agency of the Department of Labor and Employment (DOLE).”
Oo nga. Buti na ‘yang malinaw. Marami pa rin ang nag-aakala na nasa OWWA pa rin si Arnell. Private Citizen na sa ngayon si Arnell.
Sa mga tsikahan online, pawang mga problema pa rin ng mga OFW, sa OWWA at sa mga ahensiyang nagkaroon siya ng posisyon ang inihihingi ng ayuda sa kanya.
Kaya para mag-break, nagpapalaro na rin si Arnell sa kanyang online tsikahan gabi-gabi! With matching premyo!
Kaya sabi niya, ‘huwag kayong ano. At nang-aano!’
No holds barred. May mga gabing malalalim ang usapan. Mawiwindang ka sa terms gaya ng Kruger Effect. Na maayos niyang naipaliliwanag.
Try niyo subaybayan at buong mundo, lalo ‘yung mga nasa Middle East at tumutok kayo sa kanya!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *