Sunday , December 22 2024

LTFRB chair Martin Delgra II utak-stagnant na ba ECQ? (Pasahero ng public vehicles gusto i-logbook)

NAPAKA-GENIUS palang magmungkahi nitong si Land Transportation Franchise and Regulatory Board chairman Martin Delgra III.

Mantakin ninyong sabihin na kapag pinayagan nang lumabas ang public utility vehicles, kailangan raw kunin ng mga driver at konduktor ang detalye ng kanilang mga pasahero gaya ng pangalan, address at contact number, para raw sa contact tracing, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Puwede naman natin unawain si LTFRB chief Delgra, ‘yan ay kung sakaling pangkaraniwang mamamayan siya at nasa isang pondohan lang na nagpapalitan ng kuro-kuro.

Baka nga, kinalawang ang kukote dahil sa ECQ. Naging stagnant at nanatili na lang sa pagtulala. Tsk tsk tsk.

Ang siste, siya ay chairman ng LTFRB, isang opisyal na may kinalaman sa operasyon ng mga public transportation.

Siya kaya ang maging driver ng bus o jeep. Magawa niya kaya iyon nang hindi maaabala ang kanyang mga pasahero?!

Pero nakakanerbiyos! Baka patulan ng mga kapwa niya ‘henyo’ ang planong ito.

Sakali mang ‘kagatin’ o payagan ng mga kapwa ‘henyo’ sa gobyerno, kailangang gumawa ng ‘calling cards’ ang mga pasahero, para tuwing sasakay sila, isasama nila sa kanilang bayad ang kanilang calling cards.

Hak hak hak! Nagkahetot-hetot na!

Imbes pag-isipan kung paano gagana nang maayos ang mga public transport vehicles ‘e kung ano-anong ‘sapot’ ang  ini-entertain nitong si Delgra sa kanyang utak.

Panawagan lang po sa government officials:

Umayos naman kayo! Ang tagal nang naka-quarantine ng mga tao, nagtitiis sa hirap at gutom. Pagkatapos pasusunurin ninyo sa mga hindi maintindihang mga panukala ninyo?!

Please lang, magmumog nga muna kayo bago magsalita, ang babantot ng mga sinasabi ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *