Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libreng gupit sa mga frontliner, handog ni Les Reyes

NAISIP kaya ni TF na buksan na ang kanyang parlor o salon para sa mga init na init na magpa-gupit?

Ito kasing kapatid ni Mother Ricky na si Les Reyes, may-ari ng katakot-takot na RHC o Reyes Haircutters all over the metro at mga lalawigan, nakaisip ng way para maibsan ang isa sa problema ng ating mga frontliner sa iba’t ibang ospital.

Kaya nalunsad ang Free Haircutting for Hospital Frontliner Project.

Ipinagpaalam naman niya at pina-aprubahan sa mga kinauukulan as in may permiso siya, ang pagtungo sa iba’t ibang ospital ng kanyang mga tauhan para magserbisyo at bigyan kahit kapirot na kaginhawahan ang ating frontliners.

Kompleto naman sila sa PPEs ng kanyang mga staff na naggugupit sa ating frontliners.

Alam ni Les ang kaginhawahang naidudulot ng magupitan. Na nakikita nga natin sa mga isine-share sa social media na dahil sa kainipan eh, sila na ang nagpapalitan ng gupit kung nasaan man sila.

Inaanyayahan nga ni Les ang iba pang salon owners kung na makipag-ugnayan sa kanya kung gustong sumama sa kanila para sa naturang serbisyo para sa ating frontliner.

 

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …