MASAYA si Chanel Latorre sa papel niya bilang Sampaguita sa international TV series na Almost Paradise. Ang serye ay napapanood sa cable channel na WGN America at Amazon Prime.
Bida rito ang Hollywood actor na si Christian Kane na gumaganap bilang si Alex Walker, isang Drug Enforcement Administration undercover operative na nag-retire sa Cebu pero nasabak ulit sa action nang makasagupa ang grupo ng sindikato.
Inusisa namin ang aktres ukol sa naturang serye.
Saad ni Chanel, “It was an amazing experience to play Sampaguita for EP. 5, Almost Paradise is now available on Amazon!”
Dagdag niya, “Series po siya sa US. Pinapunta po ako sa ABS para mag-audition for the role of Sampaguita, isang military nurse na magiging love interest ni Ernesto (Art Acuña) na siyang second lead sa series na ito. Awa ng Diyos ay pinalad naman po na masungkit ang role.
“Last-last Monday po ipinalabas ang episode ko – episode 5: Unbecalming. Ang shooting namin ay sa Cebu po. December pa po iyon, sa US po kasi bawal mag-post ng pics kapag hindi pa naipapalabas, kaya ngayon lang po nakapag-post.
“Iyong isang episode po sa kanila, one week or more po ang shooting at walang overtime. Pulido po ang pagkakagawa.”
Nagkuwento pa si Chanel hinggil sa mga kasama niya sa Almost Paradise.
“Ang bida ay si Christian Kane bilang Alex Walker. Siya po ay nakilala sa Hollywood dahil sa mga series niyang Leverage at Librarians na pumatok talaga roon. Si Sam Richelle, siya po ang lead actress sa series. Ang main kontrabida ng episode na ito ay si Ryan Eigenmann as El Diablo. Na siyang nakamamangha dahil on the spot ay kinailangan niya biglang mag-memorized ng Spanish line at na-pull off niya nang maayos. Si John Storey ay nandito rin po, siya ‘yung gumanap sa Indepence Day na Dr. Isaacs.
“Bale ang main director po ay si Milan Todorovic. Isang Serbian director na napakahusay. Ang kanyang pelikula po na Nymph (Killer Mermaids) ay ipinalabas worldwide. Ang second unit director po ay si Direk Francis Dela Torre na siyang naging direktor ni Anne Curtis sa Blood Ransom. Ang mga ibang eksena ay idinirek naman po ng aming producer, si Dean Devlin na siyang producer ng Godzilla, Independence Day, Leverage, and The Librarians.”
Paano niya ide-describe silang katrabaho?
“I was always in awe of Sam’s (Richelle) beauty and kindness. Now that I’ve worked with her and saw how effective and professional she was as an actress/bad ass, I can honestly say that she is now my new girl crush! Tita Bev (Beverly Salviejo), off-set, she made sure we laughed till we farted! Never a dull moment with this young soul. I love her to bits!
“I will always remember Christian Kane as a passionate and dedicated actor. His energy is infectious and he always comes up with the brightest ideas! I learned so much just working with him. I hope to work with this inspiring human being again!
“Toki (Milan Todorovic), our Serbian director, was someone who knew what he wanted. He has such an amazing mind and thinking about shots that I’ve never seen done but worked so well! There might be a one in a million chance that I would work with this man again, but I really hope it would happen again,” masayang esplika ni Chanel na muli kaming pinahanga sa husay niya sa Bagman 1 & 2 ng iWant Original Series na tinampukan ng isa pang napakahusay na aktor sa katauhan ni Arjo Atayde.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio