Wednesday , December 4 2024

SAP ‘huwag naman sanang mag-ZAPPED  

NGAYONG araw, 7 Mayo 2020, ang deadline ng pamamahagi ng ayudang P5,000 – P8,000 sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) na supposedly ay nasa pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

BTW, ‘ipinanganak’ po itong SAP, dahil marami tayong mga kababayan, na natigil ang paghahanapbuhay at pagnenegosyo dahil kailangang “stay at home to save more lives” sa ilalim nga ng enhanced community quarantine (ECQ).

Back to SAP, pero marami po ang nagreklamo, dahil ang database na gagamitin para sa pagdedetermina ng mga benepisaryo ay ang 2015 census umano ng DSWD.

Naman!

E sa loob nga lang ng anim na buwan, ang dami nang nangyayari. ‘Yun pa kayang limang taon na posibleng marami nang nag-relocate o kaya naman ay sumalipawpaw na sa langit?!

Wattafak! Paano nga naman magiging accurate ‘yung mga maaaprobahang aplikasyon na pina-fill-up pa ‘yung mga kababayan nating ‘poorest of the poor’ kung hindi updated ‘yung database na gagamitin?

‘Yang binabanggit na ‘poorest of the poor’ kinakailangan ay hindi ka kasali sa 4Ps; hindi ka retirado na tumatanggap ng pension sa SSS o GSIS; single parent ka nga pero kung may hanapbuhay ka na hindi apektado ng ECQ, disqualified ka pa rin; PWD ka, pero kung mayroon namang nagsusustento sa iyo na kapos din sa buhay, hindi ka rin kasama sa SAP.

Kung driver ka ng jeepney, dapat miyembro ng mga organisasyon. Kung tricycle driver ka dapat rehistrado ka sa TODA. ‘Yung mga kuliglig, padyak at iba pang hindi miyembro ng TODA, wala kayong kinabibilangan, kaya hindi kayo kasama sa SAP.

Kung homeless kayo, bahala na ang kapalaran sa inyo. Maghintay kayo ng mabubuting loob na mamimigay pagkain at tubig habang natutulog kayo sa tabing kalsada, sa ilalim ng puno, sa mga gusaling gigibain na, at kung saang espasyo kayo puwedeng manirahan — pero sorry na lang — hindi kayo nakalista sa talaan ng gobyerno na parang hindi kayo mamamayang Filipino na apektado ng ECQ.

Malamang hindi rin kayo kasama sa rapid testing para malaman kung nahawa na kayo ng COVID-19. Kung sakaling nahawa na kayo, malamang magiging theme song ninyo ang Monalisa — “they just lie there and they die there.”

Mabuti na lang at iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na lang sa local government units (LGUs) ang pamamahagi ng SAP dahil sila naman ang nakakikilala ng mga higit na nangangailangan sa kanilang barangay — lalo na kung malilliit na barangay  lang ang sakop nila.

Ang siste, mukhang maraming sumistema kung paano pagkikitaan ang ‘SAP.’ Bigla tuloy, sumagot ‘yung nanonood ng balita, ang sabi, ‘Sumalangit nawa!’

Hak hak hak!

Marami ang nagtataka kung saan napunta ang P200 bilyong ipinalabas ng Pangulo para ipamahagi sa mga kababayan nating apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Bakit sila nagtataka?!

Kasi sa laki ng nasabing halaga, e hindi pa bumabaha ang P5,000 o P8,000 sa mga komunidad. Ang haba ng panahon na ini-announce ‘yan pero sumala na ng ilang kain ‘yung mga benepisaryo, wala pa rin silang naaaninag kahit isang P1,000 bill.

Alam ba ninyo kung bakit bumilis ang pamamahagi ng SAP at nagkukumahog ngayon na umabot sa deadline ngayong araw, 7 Mayo 2020?

Simple lang po ang sagot: Kapag walang liquidation, hindi sila makakasama sa 2nd trance ng SAP.

Kaya hayun, lahat ng LGUs ay nagkukumahog na matapos ngayon ang pamamahagi ng SAP, sukdulang labagin ang social and physical distancing na mahigpit na itinatagubilin sa ECQ.

Ang tanong ngayon, sakaling hindi maipamahagi lahat ang hawak na pondo ng LGUs para sa SAP, hindi kaya maglahong simbilis ng ZAPPED ang bahagi na ‘yan ng P200 bilyon?!

Kung mangyayari ‘yan, malamang kahit SAPSAP na pinalangoy sa isang kalderong sabaw ‘e hindi matikman ng mga tunay na benepisaryo ng SAP.

Ay SAP, ‘wag ka sanang mag-magic at biglang mag-ZAPPED!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *