HINDI naging hadlang ang ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) para patuloy na magkaroon ng communication ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.
Kahit magkahiwalay ngayon ang magkasintahan at hindi nagkikita ng personal, hindi nila kinaliligtaan na mag-video call araw-araw para mag-kamustahan.
Ayon kay Derek, parte na ng kanilang daily routine ang pag-uusap at pagwo-workout ng magkasama. Bukod dito, nasubukan din nilang mag-yoga, mag-meditate, at magdasal ng sabay.
Aminado rin silang miss na miss na nila ang isa’t isa kaya naman pangako ni Derek na pagkatapos ng lockdown ay magbabakasyon siya kasama ang kani-kanilang mga pamilya sa Palawan.
Samantala, magbabalik-telebisyon sina Derek at Andrea sa pagbibidahang drama series na Sanggang Dikit sa GMA.
RATED R
ni Rommel Gonzales