Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, ginupitan ang asawang si Gerald Sibayan

DAHIL hindi pa rin makalabas sa kanilang tahanan bunsod ng ipinatutupad na enchanced community quarantine sa Luzon, nagdesisyon ang Kapuso actress na si Ai Ai delas Alas na siya na lang ang gugupit sa buhok ng asawang si Gerald Sibayan.

 

Dahil idol niya ang Korean actor na si Park Seo Joon, ginaya niya ang haircut nito para sa asawa.

 

Aliw ang video na ipinost ni Ai Ai sa Instagram habang ginugupitan si Gerald. Pati ang kanyang followers ay tuwang-tuwa sa naging new look ni Gerald. Humingi naman ng paumanhin si Ai Ai sa asawa dahil hindi niya nagaya ang iconic haircut ng kanyang idolo.

 

Aniya, “Hindi na-achieve si PSJ kaya rocker nalang sya haha. Hahaha napalalim sorry darl hahaha @gerald_sibayan.”

 

Thankful at na-appreciate pa rin naman ni Gerald ang ibinigay na effort ni Ai Ai para sa kanyang haircut.

 

Samantala, habang naka-lockdown sa kanilang bahay, pinagkakaabalahan ngayon ni Ai Ai ang pagbe-bake ng iba’t ibang pastries. Patok sa fans ang kanyang ube pandesal na marami na ang umoorder at bumibili. Katuwang niya ang kanyang pamilya sa pagbake ng mga ito kaya naman nagpapasalamat si Ai Ai na may extra kita siya kahit naka-quarantine.

 

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …