Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, nakakatulong pa rin kahit may ECQ

ISANG linggo na simula noong kauna-unahang live broadcast ng Wowowin sa TV at social media mula sa Wil Tower at hanggang ngayon, patuloy ang paghahatid ng saya at pag-asa ng programa at ng Kapuso TV host na si Willie Revillame sa loyal viewers at supporters ng Wowowin kahit may Covid-19 pandemic.

 

Naging emosyonal si Willie sa nakuhang tiwala at mainit na pagtanggap ng mga Filipino sa live broadcast ng Wowowin.

 

Aniya, “Napakalaking bagay po nito sa buhay ko eh. Kasi una, gusto ko ho talaga makagawa nang mabuti sa inyo. Hindi lang ho ‘yung pagbibigay ng saya, ‘yung pagbibigay ng tulong, ‘yun po bang sinserong kumanta, mapasaya kayo, may kumakanta na maganda, napapangiti namin kayo sa panahon na ‘to.”

 

Puno ng pasasalamat si Willie na kahit hindi siya pamilyar sa social media ay pinahintulutan siya ng management ng GMA na gawin ang live broadcast ng kanyang programa. Nagpapasalamat din siya sa mga kababayang patuloy na tumututok sa kanya,

 

“Hindi ako techie, wala akong alam. Tawag lang ho ako at text. Salamat kasi pinagkatiwalaan n’yo po ako at gumagawa po ako ngayon ng bagay na talagang gusto kong gawin para sa inyong lahat. Gusto ko hong makatulong sa gobyerno natin. Gusto ko hong makatulong sa mga kababayan natin.”

 

Mapapanood ang live broadcast ng Wowowin sa official social media accounts nito at sa telebisyon bago mag-24 Oras sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …