Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel at LizQuen, aarangkada sa China

LABING-ANIM na pelikula ng ABS-CBN ang maghahatid-saya sa manonood na Chinese sa pag-ere sa Phoenix Movie Channel ng China.

 

Maaalalang pumirma ang ABS-CBN at Phoenix Satellite Television noong 2019 para iere ang patok na mga pelikula ng Star Cinema. Nauna nang ipalabas ang Four Sisters And A Wedding noong Disyembre 2019, na sinundan naman ng Barcelona: A Love Untold at Love You To The Stars And Back ng Marso ngayong taon.

 

Ngayong Mayo, matutunghayan sa China ang The Achy Breaky Hearts at Dear Other Self.

 

Pag-ibig din ang mamamayani sa buwan ng Hunyo dahil nakatakda ring mapanood sa China ang mga pelikulang My Perfect You na pinagbibidahan nina Gerald Anderson kasama si Pia Wurtzbach, at  Can’t Help Falling In Love ng tambalan nina Kathryn at Daniel.

 

Palabas din ang My Exes and Whys nina Liza at Enrique at ang Always Be My Maybe at Can We Still Be Friends nina Arci Munoz at Gerald Anderson. Mapapanoood din sina Maja Slavador at Zanjoe Marudo sa pelikulang To Love Some Buddy.

 

Pagsapit naman ng Hulyo, matutunghayan nila ang award-winning movie na Everything About Her na pinagbidaan ni Vilma Santos kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.

 

Sa buwan ding ito mapapanood nila ang You’re My Boss nina Coco Martin at Toni Gonzaga, ang Hihintayin Kita Sa Langit (na pinamagatan na I Will Wait for You In Heaven sa international release), nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at Kasal nina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Paolo Avelino.

 

Pagdating naman ng Nobyembre, mapapanood ang Siargao na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Erich Gonzales, at Jasmine Curtis-Smith.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …