Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Axel Torres, naprehuwisyo ng coronavirus  

ISA si Axel Torres sa mga naapektohan nang husto ang showbiz career dahil sa COVID-19. Siya ay nasa pangangalaga na ngayon ng Asterisk Artist Management headed by Kristian G. Kabigting

 

Magsisimula na dapat sila ng taping ng online show nilang Amazing Adventures sa Asterisk Digital TV YouTube channel, kasama si Enzo Santiago. Ngunit dahil sa coronavirus ay hindi muna nakapag-shoot sina Axel at Enzo.

 

Si Axel ay nakatakdang mapanood din sa Boys Next Door ng TV5, ngunit out na siya sa A Kiss To Remember dahil puro new faces na ang ipapasok dito ayon kay Michael Louie Almacen.

 

Produkto ng Pinoy Big Brother All In, si Axel ay nakagawa ng ilang pelikula at TV shows mula nang naging Housemate sa Bahay ni Kuya. Kabilang dito ang Oh My G!, Banana Sundae, La Luna Sangre, Finally Found Someone, Vince and Kath and James, Wansapanataym, lpaglaban Mo, MMK, at The Break Up Playlist.

 

Na-link dati si Axel kay Vice Ganda. Pero hindi raw talaga naging sila. “Honestly, wala. Nakikita ko sa kanya, na parang hanggang anak-anakan niya lang ako,” sambit ni Axel.

 

Aminado siyang matagal na silang hindi nagkikita ni Vice, pero itinanggi ni Axel na hindi si Ion Perez ang rason. Katunayan daw, masaya si Axel para kina Vice at Ion. “Ang tagal na naming hindi nagkakausap, siguro after noong Kapamilya Basketball na kalaban sila, that’s the last time na nagkausap kami,” aniya.

 

Diin ni Axel, happy siya para kina Vice at Ion. “Super happy ako for them, hindi mo hinanap pero dumating… so sobrang happy ako para sa kanya (Vice).”

 

Anyway, ang iba pang talents ng Asterisk Artists Management ay sina Nico Nicolas, Kamille Filotea, Darvin Yu, Enzo Santiago, Miguel Diokno, Ivan Morriel, Carl Saliente, Hillary Tan, Z Mejia, Sam Cafranca, Christine Lim, Ayumni Takezawa, Nina Florez, Miguel Diokno, Princess Manaloto, Ronan Bearis, Hannah Balahadia at Karissa Toliongco.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …