Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, kinilala ang kabayanihan ng frontliners

MARAMI ang nagulantang last March 31 nang ianunsiyo ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na siya at asawang businessman na si Art Atayde ay positibo sa coronavirus disease.

March 24 nang nagpasuri ang mag-asawa dahil nakaramdam sila ng mga sintomas ng Covid 19 virus. Ayon pa kay Ms. Sylvia, mula nang nagpa-swab test sila ay naka-isolate na silang mag-asawa.

Mababasa sa post ng Kapamilya aktres na, “On March 24, my husband and I were brought to Cardinal Santos as I was having chills and he had cough and shortness of breath. We were made to take the covid-19 swab test and since then, Art and I have self-isolated.”

Sa update ni Ms. Sylvia ay sinabi niyang bumubuti na ang pakiramdam nila ng mister na si Sir Art.

Last April 13 naman, sa isang video message ay nagpasalamat sa frontliners si Ms. Sylvia sa ginagawa nilang kabayanihan para sa mga pasyenteng tulad nila.

Aniya, “Ang pagmamahal ninyo sa aming mga Covid positive, na gusto ninyong isalba ang buhay namin… na ginagawa ninyo ang lahat mabuhay lang kaming lahat ng mga pasyente ninyo. At alam ko, nararamdaman ko, nakikita ko sa tuwing lumalapit kayo sa akin, sa tuwing pumapasok kayo dito na kahit paano may takot kayo sa puso ninyo. Pero ginagampanan ninyo nang buong-buo iyong trabaho ninyo ng mga nakangiti at wala kayong ginawa kundi sabihan ako araw-araw ng, ‘Laban lang, Sylvia, laban lang’.

“Kahanga-hanga kayo. Isinasakripisyo ninyo yung buhay ninyo para sa aming mga pasyente ninyo. Kayo yung dapat hangaan naming lahat. Maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat na mga frontliners. Magkita-kita po tayo sa finish line. Thank you, thank you sa inyo. Thank you,” madamdaming saad ni Ms. Sylvia.

Samantala, ayon naman sa ulat, nakatakdang kunan muli nang isa pang test sina Ms. Sylvia at Sir Art upang madetermina kung hindi na sila positive sa Covid 19 at  covid free na sila kapwa.

Patuloy kaming nagdadasal at umaasa na very-very soon ay matatapos na ang animo bangungot na nangyari sa kanilang dalawa.

Sa rami ng nagmamahal at nagdadasal kay Ms. Sylva na mga relative, kaibigan, at fans niya, very soon ay magiging completely okay na ang award-winning actress at si Sir Art, para sila ay kapwa ma-discharge na sa hospital.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …