Saturday , November 23 2024

Buwanang sahod ng volunteers, JO personnel, health workers, dinoble ng Taguig City

DINOBLE ng lungsod ng Taguig ang buwanang sahod ng mga barangay health workers (BHW) na patuloy na naglilingkod at naghahatid ng serbisyong medikal sa komunidad sa kabila ng enhanced community quarantine bunsod ng pandemikong COVID-19.

Ito ay matapos silang i-promote mula sa pagiging volunteers na ngayon ay magiging job order personnel na simula 1 Abril 2020.

Sa bagong payment scheme, ipinaliwanag ni Human Resource Management Office (HRMO) head Jeanette Clemente na ang BHWs na dating nakatatanggap ng P3,000 ay makatatanggap na ngayon ng P7,900.

Sa mga nakatatanggap ng P4,000 ay makapag-uuwi na ng P8,500. Ang mga dating nag-uuwi ng P5,000 ay makatatanggap ng P9,700.

Ang pagkakaiba-iba ng buwanang sahod ay alinsunod sa kanilang length of service: isang araw hanggang 3 taon, 3 hanggang 6 na taon, at higit sa 6 na taon ayon sa pagkakabanggit.

“Ang pamunuan ng lungsod ng Taguig ay nakita kung paano nagtatrabaho ang BHWs bilang frontliners sa paglaban sa COVID-19 at kung gaano sila ka-dedikado bilang tagapagpatupad ng ating healthcare programs noon pa man,” ani Clemente.

“Ito ang pangunahing basehan kung paano tinaasan ang kanilang buwanang sahod. Ang increase na ito ay magpapatuloy pa rin kahit wala na ang enhanced community quarantine,” dagdag ni Clemente.

Bukod sa pagtaas ng sahod, ang BHWs ay maaari nang magkaroon ng P15,000 kada taon bilang incentive batay sa kanilang performance.

Ang lungsod ng Taguig sa kasalukuyan ang may pinakamaraming bilang ng BHWs sa buong Metro Manila.

Mula sa 600 noong 2010, ang lungsod ay mayroong 854 BHWs ngayon na nakatalaga sa iba’t ibang barangay sa Taguig.

Bukod rito, nagtatrabaho rin sila sa 31 health centers at tatlong Super Health Centers na bukas 24/7 sa lungsod sa kabila ng lockdown.

Ang BHWs din ang unang humaharap sa mga taong nangangailangan ng medical assistance mula sa TeleMedicine ng lungsod.

Ang TeleMedicine ay ang platform kung saan maaaring magpakonsulta sa tulong ng internet o text upang maiwasan ang paglabas ng kanilang mga tahanan dahil sa ECQ.

Kung ang kasong ikinonsulta ay kinakailangan ng gamot, ang BHWs ang naghahatid ng gamot mismo sa kanilang mga tahanan.

Sa pagsisikap ng Taguig para panindigan ang paglalaan ng serbisyong pangakalusugan, ang mga BHWs ay nagbabahay-bahay upang magdala ng gamot at tinutulungan ang nurses at midwives para sa iba pang serbisying pangkalusugan sa komunidad.

Upang proteksiyonan ang BHWs laban sa COVID-19, binibigyan sila ng lungsod ng mga kinakailangang protective equipment.

Ang lungsod ng Taguig rin ang namamahala sa kanilang mga pagkain at maging ang kanilang transportasyon papasok ng trabaho at pauwi.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, “Ang salary increase na ito ay isa lamang sa mga paraan upang mapasalamatan natin ang ating frontliners, mula Day 1, ay walang pagod na nagseserbisyo upang masiguro na natutugunan ang mga pangangailangan ng bawat Taguigeño.”

“Kung hindi dahil sa kanila, ang layunin nating maging isang healthy city ay imposible,” ani Mayor Lino.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *